CHAPTER 17

843 76 1
                                    

Ceirill's POV

Natapos na rin ang isang buwang pag t-training namin at nandito kami ngayon at naka upo sa South Building kung saan gaganapin ang Show Off. Kitang kita namin dito sa pinaka itaas ang kabuuan ng Field. Ang sabi ay doon gaganapin ang laban pero hindi ko alam kung anong klaseng laban ang mangyayare.

Suot ko ngayon ay isang rubber shoes, shorts at isang long sleeve na bumagay sa outfit ko at ang kwintas ni mama. Ang sabi ni Celestine ay cute daw tignan pero para saakin naman ay madali akong makaka galaw sa ganitong suot. Kailangan kong ihanda ang sarili ko para sa maaaring mangyari.

Katabi ko sa Kaliwa si Celestine at halata sakanya ang panginginig kaya hinawakan ko ang kanyang kamay at nginitian. Ngumiti naman sya saakin at napansin ko na nabawasan ang kaba nya. Katabi ko naman sa kanan si Jeirus na tahimik at katabi ni Celestine si Klay. Kahit naman ako ay kinakabahan pero para sa mama ko. Ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko para manatili kang sa paaralang ito.

"Magandang umaga sainyong lahat! Magsisimula na ang pinaka hihintay nating Show Off!" sigaw ng isang babaeng host habang sa isang stage sa gilid ng field.

Dahil sa sinabi nya ay nag hiyawan naman ang mga estudyante ng Teirus Academy. Kapansin pansin pansin din ang mga tao sa stage na may suot na magagarang damit. Hindi man nila sabihin ay alam kong maharlika ang mga ito. Walo silang naka upo roon. Si Ms.Owen kasama ang Apat na lalaki at tatlong na babae. Hindi ba parang may kulang sakanila?

"Celestine hindi ba parang kulang ang mga nasa stage?" pag tatanong ko sa katabi kong si Celestine.

"Ahh nawawala parin kasi ang mama ni Prinsipe Drex. Walang nakaka alam kung nasaan sya." sagot naman nya.

Hala bakit naman ganun. Hindi na ako mag tataka kung bakit ganun ugali ni Alestair. Nawala mama nya kaya siguro ganun sya. Mahirap yun sigurado ako.

"Ganito ang patakaran. Lima ang mag lalaban at maaari ninyong gamitin ang inyong magi at mga sandata hanggang sa mapa bagsak ninyo ang mga magiging kalaban ninyo perooooo bawal na bawal kayong pumatay. Gagamit tayo ng selection rollet para malaman kung sino sino ang makakalaban ninyo. Maaaring kaklase ninyo, kaibigan o kaya naman ay galing sa mas mataas sainyong sanggo." paliwanag ng host sa harapan. Kung ganon ay maaari kong gamitin ang sandata ko na ako pa lang ang nakaka alam. "Pagkatapos ng pitong araw ay malalaman nyo ang bago nyong rangko, kung mag babago mga ba. Hahahaha anyways mag simula na tayo"

Nag hiyawan ulit ang mga estudyante at nakita naman ang limang parang hologram sa itaas. Iyon siguro ang gagamitin para makita ang mag lalaban.

Abang na abang kami nila Celestine, Klay at Jeirus kung sino ang mga mag lalaban laban. Maaaring ako, o ang mga kaibigan ko ang lumitaw doon. Maaari ring kaming lahat. Hindi namin alam pero sana ay huwag kami dahil hindi ko sila kayang saktan kahit isang galos lang.

Nag simulang mag pabago bago ang kulay ng screen at hindi nag tagal ay lumabas ang mga mukha ng mga mag lalaban laban. Napatingin ako agad kay Celestine na bakas sa mukha nya ang pagka bigla. Isa sya sa unang makikipag laban pero salamat na rin at wala saaming tatlo ang kasama nyang makakalaban dahil hindi namin alam kung magagawa ko ba syang kalabanin.

"Kaya mo yan Celes, tandaan mo ang mga pagsasakripisyo natin para lang maging handa tayo rito." sabi ni Klay sakanya habang naka ngiti.

"Tama si Klay, marami tayong pinag daanan para rito. Huwag mong isipin ang pressure. Isipin mo na training lang ito. Ibigay mo ang best mo at ibibigay namin ang best namin." sabi ko rin kay Celestine at nakita naman namin syang ngumiti na.

"Good luck." pahabol ni Jeirus kahit na sa harapan sya naka tingin. Okay na rin para sakanya.

Bumaba na si Celestine sa field at napansin ko na may dalawa pang babae at dalawang lalaki ang makaka laban nya. Ang isang lalaki at babae ay may hawak na espada habang wala naman ang iba pa kasama si Celestine. Matalino si Celes at alam kong makaka gawa sya ng paraan para rito.

"Ngayong kumpleto na ang mag lalaban para sa unang round. Mag simula na kayo in 5, 4, 3, 2,.....and 1!" bigkas ng host.

Napansin ko na unang sumugod ang lalaking may hawak na espada sa babaeng walang espada. Balak nyang bawasan agad ang kalaban nila. Nanginginig naman ang babae na umiwas pero hindi nag tagal ay bumagsak rin ito dahil sa isang saksak sa tagiliran.

Napansin ko naman ang isang babae at lalaki na sabay tumatakbo sa direksyon ni Celestine. Napa tayo ako sa pagka bigla dahil balak nilang pag tulungan ang kaibigan ko!

Napansin ko pa na humingang malalim si Celestine at itinaas ang mga kamao nya. Balak nyang kalabanin ang mga ito ng sabayan. Akmang hihiwain ng babae sa tagiliran si Celestine ng umiwas ito agad at binigyan nya ng suntok sa panga ang babae. Ganyan nga Celes, huwag kang mag papadaig dyaan.

Susuntukin sana ng lalaki si Celestine ng nawala ito sa harapan nya ay napunta sa likuran. Hinampas ni Celestine ang batok ng lalaki dahilan para mawalan ito ng malay. Nawala naman ang lalaki sa field. Siguro ay kinuha na sya ng mga manggagamot.

Nakita ko rin na wala na rin ang babaeng walang espada kanina. Nakita ko rin na may dugo ang espada ng lalaki. Siguradong walang awa nya itong ginamit sa babae para matalo.

Dahan dahan namang lumapit si Celestine sa babaeng namimilipit sa sakit dahil sa suntok na natanggap nito sa panga. Akmang hihiwain pa nya ito si Celestine pero naka iwas ulit ito at sinuntok pa sa ilong. Nawalan ito ng malay at nawala sa field.

Ngayon ay dalawa na lamang silang mag lalaban at hindi pa namin alam ang kapangyarihan ng kalaban ni Celestine. Swerte na siguro dahil hindi nagamit ng iba ang kapangyarihan nila pero base sa tindig ng lalaking kalaban ni Celes ay hindi ito bibihira.

Tumakbo ang lalaki papasugod kay Celestine at napansin ko na may lumilitaw na maliliit na karayom sa paligid nito. Kung ganon ay ito ang kapangyarihan nya. Maliit ito kaya sana ay napansin ito ni Celes.

Mag iingat ka sakanya.

------------------------------------------------------------------


Teirus Academy: School of Magic (M2M Story) (ON-GOING)Onde histórias criam vida. Descubra agora