KABANATA CCX

4.4K 28 5
                                    

Taga probinsya lamang ang mga Darby, paano sila nagkaroon ng malaking halaga para maafford na makita ang pinakamagandang villa sa lahat?

Nakangiting sumagot ang staff. "Ma'am nabili na ang villa na iyon isang linggo na ang nakakaraan. Hindi ko na alam ang iba pang detalye dahil internal itong pinroseso."

Internal?

Hindi masayang sumagot si Samantha. "Magbabayad ako ng mas malaki, may magagawa ka pa ba para mapapunta sa akin ang villa na iyon?"

Napakaganda ng kinatatayuan ng villa at siguradong tataas ang price value sa hinaharap. Okay lang naman kung magdadagdag ng babayaran para sa villa na ito dahil mataas naman ang kinikita ng anak sa pag lilive stream nito.

"Pasensya na po pero hindi ako gumagawa ng desisyon." Paghingi ng tawad ng staff.

Nalungkot si Samantha. "Tawagan mo ang presidenteng si Jade, gusto ko ang villa na ito."

...

SA PRISINTO

Ang mga tagasunod ni Trent ay napunta kay Darryl matapos itong mabugbog kahapon.

Naging close na si Darryl at Chester, tipong kahit anong bagay ay napag uusapan na ng mga ito.

Siyempre wala pa sa kanila ang naglalantad ng totoong katauhan. Ngayon ang huling araw ni Chester sa prisinto, kailangan itong pakawalan dahil sa walang sapat na ebidensya.

Bago umalis, may inabot na papel si Chester kay Darryl. Niyakap nito si Darryl at sinabing. "Kapatid, mauuna na akong umalis. Paki contact na lamang ako paglabas mo ng prisinto! Keep in touch!"

"Siyempre naman!" Nakangiting sabi ni Darryl. Matagal na inantay ni Darryl ang mga salitang iyon mula kay Chester.

Hindi na nagsalita si Chester, Tinapik na lamang nito ang balikat ni Darryl at tuluyan nang umalis.

Pinalabas na rin si Darryl kinabukasan. Tumawag si Megan nang nasa prison gate na si Darryl. "My good brother, paanong..."

Agad itong huminto, anong problema niya? Bakit hindi parin siya tumitigil sa pagtawag ng my good brother? Bigla itong nahiya.

"Darryl, anong info ang nakuha mo kau Chester?" Tanong nito matapos pakalmahin ang sarili.

Sa halos dalawang linggong magkasama ang dalawa, sigurado si Megan na mayroong info na nakuha at ito ang magsisilbing reward!

Mapait na ngumiti si Darryl. "Hindi iyon ganun kadali gaya Ng iniisip mo. Alerto si Chester, naging close kami pero sa tuwing magtatanong ako tungkol sa pagkatao niya ay agad niyang iniiba ang usapan."

Totoong pahayag ni Darryl. Masyadong magaling sa pakikipag-usap si Chester at laging maingat sa mga sinasabi.

"Ano? Paano nangyari yon? Lahat ng ito para sa wala?" Dismayadong sabi ni Megan.

Sa katunayan ay inaasar lamang ito ni Darryl ---- hindi napunta sa wala ang lahat. Mayroon itong contact ni Chester.

Akala ni Megan ay seryoso si Darryl. Nagpatuloy sa pang aasar si Darryl. "Oo lahat ito ay dahil sayo, nasa prisinto ako ng kalahating buwan ng walang ginagawa. Anong makukuha kong kapalit?"

"Wala kang makukuhang kapalit! Hindi mo manlang nagawa ang misyon!" Inis na sabi ni Megan.

"Edi sige, hindi kita babalitaan kapag may masagap akong balita tungkol sa Eternal Life Palace sa pagiging undercover, tapos sa tingin mo ay magagawa mo ito sa susunod?"

Nagpatuloy si Megan. "Tinawag din kitang good brother para matulungan kang mag undercover pero lahat ng iyon ay nauwi sa wala! Napaka useless mong good young brother, useless good young brother!" At binabaan na nito ng telepono si Darryl.

'Grabe naman, napaka praktikal niya! Dahil lang sa hindi ko nagawa ang misyon ay tinawag niya akong useless young brother.' hindi makapaniwala si Darryl.

Nagpara ito ng taxi para makabalik na ng opisina.

Kinumusta nito ang lagay ng korporasyon matapos nitong mawala ng kalahating buwan. Pagkakalabas ng prisinto, nakakita ng traffic, napabuntong hininga si Darryl. "Mas okay sa labas, mas sariwa din ang hangin." Sa isip isip ni Darryl.

Papasok na ito ng taxi nang biglang nag ring ang kaniyang cellphone --- si Chester!

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now