Chapter 70

837 53 3
                                    


Arabella's Pov

Gabi na, Oo gabi na. Bakit sainyo umaga ba? Nasa ibang bansa kasi kami mabilis ang orasan, mabilis lumipas ang lahat, mabilis tumakbo ang ora–

“Ara!”

Ano ba 'yan! Uutusan ninyo lang ako!

Inis ko ito binalingan. “Bakit?!” Naiinis kong tanong kaya nagtaas naman siya ng dalawang kamay na ani mo'y sumusuko.

“Tulungan mo raw kami kunin 'yong gamit sa taas.” Ani niya kaya kumunot noo ko at natuklasan ko na gamit pala 'yon.

“Ayt? Gamit pala 'yon? Akala ko mga kalat sa campus.” Hilaw kong ngiting sabi ngumiwi naman siya.

“Grabe ka naman.” Nakanguso niyang saad, tumayo ako at lumabas sumunod naman siya.

“Nasaan sila?” Tanong ko.

“Taas tapos 'yong iba nag gagala pero si Jace umuwi, tapos sila phoenix nagluluto.” Saad niya at tumango-tango ako bago lumabas at pumunta sa taas 'tsaka pumasok sa room.

“Hoy! Ano gagawin ko?” Tanong ko sakanila nagulat naman ako na may kumuha sa kamay ko at muntik na ako matumba dahil sa bigat na ibinigay sa akin.

Tang'na! Malaking bato ba laman nito?!

“Ang bigat.” Saad ko at umupo.

Mapapagod ako nito pero kailangan ko magtiis para wala na sila ipag-alala.

Napaisip naman ako ng gagawin. Hinila ko ang bag at tinawag pa nila ang pangalan ko pero hindi ko sila pinansin.

Ang bigat kaya!

Nakarating ako sa baba at hiningal ako. Jusko dito ako mamatay sa bigat ih! Kinaladkad ko ang bag papunta sa room at iniwan na ito sa loob bago pumasok at umupo.

Kapagod! Isang bag lang 'yon!

Maya't maya andito na ang mga kaklase ko at nag reklamo sila kasi isa lang ang kinuha ko at kinaladkad ko pa hehe nag peace sign naman ako sakanila at sinabi na "Girl kasi ako" para makalusot, at dahil nga alam nila na babae ako at mukhang mahina ay sumang-ayon ang iba.

Dumating sila Phoenix na may dalang kaldero at si Josh na may Kaserola kasama nila sila Ruru nagulat pa ako na kasama niya ang dalawa niyang kapatid at bitbit ang bata niyang kapatid. Napangiti naman ako dahil naalala ko ang sevaranie twin kaya lalo ako napangiti at lumapit kay Ruru

“Asan mommy nila?” Tanong ko sakaniya.

“Abroad with our father.” Sagot niya at umiyak ang hawak niyang sanggol.

“Hoy Kj, pinapaiyak mo si Jereus.” Rinig kong sabi ni Axel.

“Akin na nga.” Saad ko kay Ruru at binigay naman niya sa akin ang kapatid niya at kumunot noo ko na bigla tumahan.

Luh

“Jace! May peyboritism talaga kapatid mo!” Rinig kong reklamong sigaw ni Kevin at nagsitawanan naman sila. Daladala ni Ruru ang bag na naglalaman na gamit ng dalawang bata.

Tumingin naman ako kay Lereus na tahimik. “Pst.” Tawag ko kay Lereus kaya inangat ang ulo niya. “Halika.” Yaya ko at hiningi ang kamay niya wala siya nagawa at hinakawan ang kamay ko at pumunta kami sa upuan ramdam ko na sumunod sa amin si Ruru.

Pinaupo ko si Lereus sa upuan ni Ruru kaya napakunot noo si Ruru habang nakatayo sa harapan namin.

“So? Saan ako uupo?” Tanong niya.

“Sa sahig.” Nakangiti kong sabi dahilan bumusangot siya.

Umiling-iling siya bago tumalikod at naglakad, napatingin naman ako kay Lereus na hinihila-hila ang laylayan ng uniform ko.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon