11- Nerd with his nerd boyfriend??

35.9K 1.2K 39
                                    


Kismeth 's POV

"Ayos na ba tong suot ko?? " tanong ni kuya at umikot pa sa harap ko. Mag -gagala kaming dalawa ngayon sa mall at napagtripan nyang magpakanerd ngayon. Pati ba naman weekends nerd pa din ang get up ko? Nandito kami ngayon sa kwarto ko at gumagayak

"Sa mall tayo pupunta at hindi sa underground. Tignan mo nga yang suot mo " inirapan ko sya bago pinagpatuloy ang pagaayos ng buhok ko.

"Anong mali dito?? Black pants, white T-shirt, leather jacket and a pair of converse ??"  binaba ko muna yung suklay bago lumapit sa kanya.

"Aray naman!! '' binatukan ko kasi

"Sa mall tayo pupunta at NERD ang get up natin ngayon. Tingin mo ba magmumuka kang nerd kung ganyan ang suot mo?? " tanong ko sa kanya bago bumalik sa pwesto ko. Buhok ko nalang ang inaayos ko dahil ayos na ako. Nag plain T-shirt nalang ako na color light blue at pants. Nagconverse din ako para mas komportable. Wala naman ako sa school kaya ayos lang na magpants ako. Nagpahid din ako ng concealer pero konti lang

"Oo. Nerd na rockstar!! '' sya at itinaas pa ang kamay. Facepalm -_-

"Go fix yourself. Iiwan kita magbagal kapa " sabi ko sa kanya bago isuot ang salamin ko sa mata. Kinuha ko na ang phone ko at lumabas ng kwarto. Bahala sya dun

Bumaba na ko at umupo sa sofa. Habang naghihintay kay kuya, kinuha ko nalang ang phone ko at tinawagan si Crystal

*kriiiiing!!! Kriiiiiiiing!! *

Phone Convo

"Hello "

"Queen!!!! Kyaaaaaah we miss you!!!! " nailayo ko naman ang phone ko sa tenga ko.

"Don't shout! It's irritating '' sabi ko at hinawakan ang tenga ko. Nabasag na eardrums ko

"Hala sorry sorry!! Nadala lang ng emosyon!! Haha!! Kamusta ka na!!??" Crystal

"Si Queen ba yan??!! Pakausap!! Pakausap!!! " tsk. Keifer

"Queen ko!!!! Este Queen pala ni asdfghjkl!! Miss ka na ni asdfghjkl este namin pala!!! ''  Jonas. Ang gugulo nila! Jusko nagaagawan sa cellphone

"Ako naman!! Pakausap!!!! '' rinig kong sigaw ni Keifer. Panigurado nakapout to

"Tama na!! Napatawag ka Queen?? " Charles

"Nangangamusta lang" sagot ko

"Queen may surprise kami sayo!! Pupunta kami asdfghjkl!!!!! --'' ano daw??

"Wag mo na pansinin yung sinabi ni Crystal! Wala lang yun! Sige babay na!! May gagawin pa kami!!!! "

*toooot toooooot toooooot*

Binabaan ako? Bat ba nagmamadali sila? Tsk

"Tara na!! " napatingin naman ako kay kuya na pababa ng hagdan. Suot nya? T-shirt na light blue din ang kulay, pants at color blue na converse. May salamin din syang suot. Para tuloy kaming couple nito! Nerd couple?? Yuck

Habang nasa byahe, tahimik lang kami ni kuya. Naalala ko na naman yung kahapon. Daig pa nya si Dad kung magtanong. Hindi nga ako makasingit sa dami ng tanong nya.

Pagkapark ni kuya ng sasakyan nya, syempre lumabas na kami. Sa medyo tagong part ng parking lot kami nagpark.

Pumasok na kami sa mall at dumiretso sa Tokyo- Tokyo. Favorite restaurant namin nila Dad at ..... Mom.  Lunch na kasi at gutom na din ako. Hindi na ako nakapagbreakfast dahil late nadin naman akong nagising.

"Ako na oorder. Hanap ka na ng pwesto natin '' sabi ni kuya at dumiretso sa counter. Konti lang ang tao ngayon dito sa restaurant. Dun ako umupo sa gilid sa tabi ng glass window. Kitang kita yung mga taong gumagala. Mga magboyfriend na sweet na sweet at HHWW pa at mga pamilyang sama -samang kumakain. I wish you were here Mom, Mich.

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon