CHAPTER 3: WELCOME TO FWO!

9.9K 414 17
                                    

A S H E

Pagkadilat ko, namangha ako sa mga nakita ko. As in napanganga talaga ako. Nasaan ako? Ito na ba 'yung sinasabi nilang Fantasy World Online? Ito na ba 'yun?! Kinapa-kapa ko yung inuupuan ko. Nasa damuhan ako na malinis na malinis at green na green.

Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko. Ramdam na ramdam kong parang nasa loob ako mismo ng game. Kinurot ko ang pisngi ko at wala man lang akong naramdaman. 

Grabe totoo ba 'to? Imposible!!

Sa kanan ko makikita mo ang napakalaking water falls. Agad ko naman iyong nilapitan at sinawsaw ang aking mga kamay sa tubig.

"Waaaahhh!!! Totoo nga..." sabi ko nang manghang-mangha at sinubukan na inumin yung tubig. 

"Woah! Parang tubig lang namin. Ang sarap sa pakiramdam!" sabi ko.

Grabe di talaga ako makapaniwala! Totoo talaga 'to? Sampalin niyo nga ako! Alam kong nago-over react na ako pero di talaga kasi ako makapaniwala.

Habang naglalakad ako, manghang-mangha ako sa nakikita ko. Nabigla ako nang may makita akong malaking shadow sa paanan ko at pagkatingin ko sa taas, na-shocked talaga ako.

Omg, dragons?!

"Oh my God. Harmless naman sila right?" tanong ko sa sarili ko. "Tell me I'm dreaming. This is not true!" sigaw ko.

Grabe na! Sobrang swerte ko talaga!

Habang naglalakad ako, hindi ako makapaniwala sa mga nadadaanan ko. As in sobrang ganda talaga. Naglakad pa ako nang naglakad hanggang makarating ako sa central city kung saan nandoon ang mga iba't-ibang klase ng shops like pagawaan ng mga weapons and gears, food stores, even clothing shops, cafes, residential houses at marami pang iba. Nandito rin nagkalat halos karamihan ng NPC's. Napanganga ulit ako sa mga nakita ko dahil napakaganda ng lugar. Wala talaga ako masabi.

(ctto of the image below)

Sigaw na ng sigaw 'yung utak ko sa totoo lang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sigaw na ng sigaw 'yung utak ko sa totoo lang. Pero nagbago ang expression ko nang may maalala ako. Kung kanina ngiting-ngiti ako, ngayon bigla nalang akong napayuko.

Naalala ko kasi kung gaano ko tinanggi ang larong 'to. Hindi ko na nga alam kung ano bang dapat na maramdaman ko. Ang lakas ng loob ko na magsabing hindi totoo 'to at tingnan mo ngayon kinakain na ako ng mga salita ko.

Napatingin naman ako sa harap ko at may lumulutang na parang blue na button. Nasa right side siya lumulutang katapat ng right shoulder ko. Pinindot ko naman iyon nag-appear ang virtual screen. Dito mo makikita ang profile, stats, skills/abilities, inventory at iba pa kasama ang log-out button. Napansin kong may red na dot mark sa inventory ko. Binuksan ko iyon at nagliliwanag 'yung sa may Rare Items na option.

Astig! Nabuhayan ulit ako hahaha! Tsaka rare agad? Kapapasok ko lang sa game may rare na agad akong nakuha! Good start 'to hehe. Wait, ito rin ba 'yung tinutukoy ni Kuya sa Mini Mart na item? Gosh! Totoo nga!

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon