CHAPTER 4

22.8K 1.1K 439
                                    

Yen



Masaya at magana akong nagtrabaho ngayon sa café. Paano ba kasi? First day of internship ko mamaya sa V's Palace restaurant at sobra na akong nae-excite. 6 hours lang yung duty hours ko, so bale 1pm ako mag-start tapos 7pm naman mag-end.

Nasabi na rin sakin ni chef Warren ang magiging trabaho ko at sabi niya, ako daw ang tagakuha ng orders mula sa preparation room at ibigay yun sa mga naka-assign na cook. Ako din daw ang maglalagay ng finishing touches sa mga Main Course Dishes at Desserts bago yun ipasa sa mga waiters. I'm really excited!

At dahil sa sobrang saya ko, na-inspire akong gumawa ng update sa ginagawa kong story. Walang masyadong customers ngayon kaya malaya kong magamit ang laptop ng café.

V grab my hand and look deeply into my eyes. Tila ako napaso sa paraan ng titig niya. It was full of love and affection.

Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin dahilan para ipikit ko ang aking mga mata. Oh my god, this is it. Hahalikan na ako ng taong mahal ko!

"Yvonne...." she whispered.

"V...."  she cupped my face and claim my lips in a sweet passionate kiss.

"Ahhhh!!" kinikilig kong tili. "Sandale yung puso ko shuta!!"

Tila may mga paru-parong nagsiliparan sa tiyan ko. Jusko, kinikilig na naman ako sa sarili kong gawa!

"Yen?" concern na tawag sakin ng guard. Sumilip ito mula sa glass door habang naka-kunot noo. "Ayos ka lang ba dyan?"

Natigilan ako at agad pomormal. "Ayos lang po 'ko dito manong. Don't worry."

"Aw, akala ko kung anong nangyayari sayo. Rinig ko kasi sa labas yung tili mo e."

"Sorry po." nag-peace sign ako saka ibinalik ang atensyon sa pag-tatype.

Hays, to the highest level na talaga 'tong pagiging delusional ko. Eto nalang ang bukod tanging nagpapakilig sa'kin. Mas mabuti nalang 'to kaysa manood ng videos sa tiktok at makiki sanaol sa mga magjowa doon.

Tumigil ako sa pag-type nang may pumasok sa café. Agad nalukot yung mukha ko pagkakita sa aking mga kaibigan.

"O ano? Makiki-tambay at makiki-wifi na naman kayo dito? Pwes lumayas kayo, bawal ang mga malalantod sa café namin."

Natawa sila.

"Grabe ka naman, bawal ba kaming pumunta dito?" tanong ni Sue.

"Malamang bawal kasi wala naman kayong ibang ginagawa kundi inisin at bwesitin 'tong magandang araw ko."

Napa-iling si Maggie. "Umagang-umaga bansot high blood ka na agad."

I rolled my eyes. "Whatever. O anong orderin nyo?"

"Same as usual, Oreo milkshake saka cream puff. Take out." sagot ni Sue.

"Ganon din sakin." sabi ni Maggie. "Wala ka bang klase ngayon?"

"Wala bukas pa. Kayo ba?"

"Meron ako mamayang 10:30 am." sagot ni Sue.

"Same, 10:30 rin sakin." sagot ni Maggie. "Yung dalawang subjects na hinandle ni Ate Maui na pinalitan ni sir Dexter. Nakakainis nga kasi tuwing hapon lang sana yung Media Ethics at Multimedia Journalism e."

"Deserve. Eh si Gail ba't hindi nyo kasama?"

Nagkibit balikat si Sue saka binalingan ng tingin si Maggie. "Diba classmates kayong dalawa?"

"Oo, pero di pumasok ang isang yun sa quiz namin kanina."

"Bakit?"

"Ewan ko ba 'don."

A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon