Kabanata CII

9.7K 825 1.6K
                                    

Eliana's POV

Hindi ko alam kung maituturing ko bang suwerte ako o nagkataon lang dahil nang magkaharap kami ni Eryx kanina ay bigla na naman siyang nawalan ng malay na para bang hindi pa kaya ng katawan niya ang magkaroon ng ulirat. Ilang beses ko pa siyang sinubukan gisingin upang kumpirmahin kung napansin niya ba ang mga mata ko pero wala dahil tulog mantika pa rin siya hanggang ngayon.

Kasalukuyan naman kaming nasa loob ng kuweba hindi kalayuan sa tubig na pinaglaglagan namin kanina at nilabasan ng dambuhalang ahas. Dito ko na binuhat si Eryx at itinago dahil nagsisimula na naman lumabas ang mga ahas kanina sa lungga nila. Hindi ko na rin alam kung saan na nagpunta iyong dambuhalang ahas dahil magmula nang bumalik ako sa ulirat ay nawala na lang din siya bigla. Hindi ko na tinangka pang hanapin dahil hangga't hindi siya aatake sa amin ay wala na akong pakialam sa kanya.

Napabahing na lang tuloy ako muli matapos kong mapagtagumpayan na makagawa ng apoy gamit ng mga sanga ng puno na nagkalat sa paligid namin. Mahigit trenta minutos din ata ako nagkiskis ng patpat sa bato para lamang makagawa ng apoy na magsisilbing tanglaw at init sa amin dito sa malaki at madilim na kuweba. Napansin ko rin na nagsisimula na gumapang paalis ang ibang ahas nang mas lalong nagbaga ang apoy. Mabuti na lang talaga at inuna ko itong asikasuhin. 

Binalutan ko rin ang sugat sa aking palad ng tela na nakapagtatakang tuyot na kaagad at tanging mga natuyot na dugo na lang din ang nasa paligid nito. Kahit may ideya ako na hindi na ito ang unang beses na nangyari na mabilis gumagaling ang mga sugat ko at mas minabuti ko na lang na balutan ito at baka kung sino pa ang magtaka na bigla na lang nawala ang sugat na nandito. 

Sunod ko naman na nilingon ang gawi ni Eryx na magmula nang dinala ko dito ay hindi ko talaga pinadadapuan kahit lamok o ahas pero hindi ko pa siya halos naaasikaso. Nilatag ko muna malapit sa apoy ang ilan naming mga damit na nasa bag namin na maaari pang matuyo at masuot muli. Wala rin naman halos laman ang bag ni Eryx na pinakialamanan ko na dahil desperada na rin ako makahanap ng iba pa naming magagamit ngayong wala kaming ibang pagpipilian kundi ang manatili sa pesteng kuweba na ito habang naghihintay na muling magliwanag at magkamalay itong kasama ko. 

Nang masiguro kong maayos na ang lahat ay lumipat na ako kay Eryx at sandaling inobserbahan ang kanyang kalagayan. Basang-basa pa rin ang damit niya dahilan para mas malamig na ang temperatura niya ngayon at mas lalo rin siyang namumutla. Kailangan ko na rin palitan ang tela na nasa ulo niya dahil puno na rin ito ng dugo at basa pa dulot na rin ng tubig na nasa kanyang buhok. 

Walang hiya-hiya na sinimulan ko nang tanggalin ang pang-itaas ni Eryx na tatlong patong ata ang suot niyang damit magmula sa roba, sa pang-itaas, at kamiseta. Maayos ko rin itong inilatag sa tabi at muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanyang katawan. Shuta. Alam kong marami na akong nakitang katawan ng lalaki pero iba talaga ang dating ng katawan ni Eryx dahil hulmadong-hulmado talaga ang kalamnan nito mula sa matipuno at maugat na na mga braso pati na rin ang matikas at matigas nitong dibdib. Dagdag pa na perpekto ang pagkakahulma ng abs niya kaya kung tatanungin ko siya kung nageehersisyo ba siya at tatanggi siya ay alam kong nagsisinungaling talaga siya dahil batak na batak ang katawan niya. Isa rin sa mga kapansin-pansin sa katawan ni Eryx ay ang tila ba hugis pusong nunal sa bandang ibaba ng kanyang balagat (clavicle) na ngayon ko lang talaga napansin dahil daig niya pa ang sakristan minsan kung manamit. 

Tumigil na rin ako sa pagpuri ng katawan niya dahil baka isipin niya naman ay nangmamanyak na ako. Ipinagpatuloy ko na rin ang pagtanggal sa iba pa niyang damit hanggang sa dumating na ako sa pinakamahirap na parte ng aking ginagawa. 

Sandali pa akong natigilan upang pag-isipan kung dapat ko pa bang tanggalin ang kanyang damit panloob dahil hindi naman siguro siya magkakasakit kung lalamigin ang nasa ibaba niya di ba? 

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon