Chapter 1 - Plasbak (Part 1)

25.9K 854 1.2K
                                    

Sebastian Lerwick's POV

Hindi maipaliwanag na saya ang naramdaman ko nang sa wakas ay narinig ko ang "I do" ni Mei sa harap ng altar. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang pinili niyang maging kabiyak at makasama habambuhay.

Marami mang nangyaring hindi pagkakaunawaan bago namin marating ang yugto ng relasyon na meron kami ng maganda kong asawa ngayon, nagagawa naming ayusin at lampasan lahat. Dahil gano'n naman talaga ang relasyon, 'di ba?

Hindi lang basta simpleng kilig. Hindi lang basta saya.

It's all about going through life together. As a team. The both of you against everything else. Naks! Istreyt Inglis mula sa guwapo na tulad ko.

Marahil ay kahit anong pagsubok ang dumating sa amin ay pipiliin namin ang isa't isa. Kahit ilang ulit siguro akong magkamali, o siya, paulit-ulit lang din naming patatawarin ang isa't isa.

Kahit siguro maubusan na ako ng dahilan, siya pa rin ang pipiliin ko...til det do as part ika nga.

At ngayong nasa panibagong yugto na ulit kami ng aming buhay, hindi na lang puro relasyon naming dalawa ang kailangang isaalang-alang...

...at 'yon ay ang pagiging magulang sa dalawa naming gwapong anak.

Guwapong-guwapo akong nakasandal sa kotse ko habang patingin-tingin sa mga dumaraang estudyante rito sa parking lot ng eskwelahan.

Inaabangan kong lumabas ang dalawa kong guwapong anak na manang-mana sa...kanino pa ba? E di sa nag-iisa at walang katulad nilang ama...da wan en onli, Sebastian Lerwick.

Habang hinihintay ko sila ay natanaw ko sa malayo ang anak ni Lampe na babae. Nakaupo siya sa isang makipot na bangko at nagkakalikot ng kung ano. Pansin ko rito sa anak ni Lampe na 'to, palaging mag-isa. Tsk! Kung sabagay, iyong anak kong si Cody ang kasama palagi ng kakambal niyang si Azure. Mana-mana nga naman talaga, oo!

Naglakad ako palapit sa kanya, at kahit ilang metro pa ang layo ko ay nakikita ko nang abala siya sa pagtatanggal ng mga suot niyang alahas.

Kumunot ang noo ko dahil sa nakita ng mapupungay kong mga mata.

Petengene! Sa murang edad, ganito kaagad karami ang dala-dala niyang mga alahas. Hindi kaya manakawan 'tong anak ni Lampe?

At saka, eskwelahan 'to, ah. P'wede ba ang ganito karaming suot dito sa loob? Baka kapag nakikita 'to ng ibang mga estudyante ay pag-interesan pa.

Napailing na lang ako at dumeretso sa paglalakad palapit sa kanya.

"Yo, maganda kong pamangkin," bati ko sa kanya nang nakangiti. Kailangan kong ngumiti sa mga nakakausap o nakakasalubong ko para naman masaya rin ang impresyon nilang makita ang guwapo kong mukha.

Saglit siyang tumunghay para tingnan ako. "Heller po, Tito." Ngumiti siya nang bahagya, pagkatapos ay ibinalik na niya ang atensyon sa isang gold na breyslet na katatanggal niya lang.

"Ano 'yan?" Itinuro ko pa ang alahas na hawak niya.

"Ito po bang kakaalis ko lang, Tito?" Tumango ako bilang tugon sa tanong niya.

"Ecrou de Cartier Bracelet po. Kasama po niya sa isang set itong Ecrou de Cartier Earrings at Ecrou de Cartier Ring," mabilis na sagot niya. Tumingin pa ito sa 'kin nang nakangiti habang ipinapakita ang mga alahas.

Ano raw? "Eku—eku ano?"

"Ecrou de Cartier po." Binagalan pa niya ang pagsabi na parang ipinapaintindi sa 'kin ang pangalan ng brand ng alahas niya.

Ampupu, napakahirap naman i-pronawns nitong aksesoris ng anak ni Lampe. "Totoo ba 'yan?"

LerwickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon