EPILOGUE

109K 2.3K 108
                                    

WARNING: R-🔞 NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG READERS.


EMERY


    SHIT KINAKABAHAN AKO!

"You're so beautiful Emery." Nakangiting sabi ni Lorelei. "I'm so happy for you."

"Thank you Lei." Nakangiting tugon ko. "Pero kinakabahan ako."

"Don't be nervous, nandito lang kami para sayo." Sabi ni Penelope. "Tara na, baka mahuli kapa."

"Okay."

Tumayo na ako, agad naman silang umalalay sakin at sa suot kong wedding pink gown. Masyadong mahaba at malaki ang gown, mabigat din kaya kailangan talaga may alalay.

Ang gaganda nga lang ng mga alalay ko, hindi halatang mga Nanay na kami hehe.

"Congratulations Ma'am." Nakangiting sabi saking nung mga staff

"Thank you." Nginitian ko sila.

"Congratulations Ms. Salvacion–Mrs. Carter." Hinarang kami ng isang magandang babae. "I'm Megan Lee Ferrer, asawa ako ng may ari ng Hotel.." may inabot sakin itong paper bag na agad kong kinuha. "That's my gift for you, hope you like it."

"Thank you Mrs. Ferrer." Nakangiting sabi ko

"Welcome."

Ngumiti muna siya bago magpaalam, kami naman ay lumabas na.

Sumakay ako sa bridal car ko samantalang sila Lei ay sa isang Van na puti.

Dati iniisip ko na mag isa na lang akong tatanda kasi walang magkakagusto sakin dahil sa itsura ko. Pero biglang pumasok sa eksena ang isang Ezar Carter na na-obsessed sakin sa hindi ko malamang dahilan.

Siguro ang swerte kona ngayon, yung dating obsessed lang at sinasaktan ako, mapapangasawa kona at ingat na ingat pa sakin.

Kumalabog ang puso ko ng huminto ang sinasakyan namin sa harap ng simbahan. Pinagbuksan ako ng pinto ng isang lalaki kaya bumaba na ako.

"Congratulations again." Sabi ni Lei. "Punta na kami doon."

"Sige."

Nagtungo na sila iba pang mga abay dahil magsisimula na ang kasal. Naghintay lang ako sa labas at apura buntong hininga para mabawasan ang kaba ko.

Kaso muling bumalik nung bumukas ang pinto ng simbahan.

(IMAGINE NYO YUNG KANTANG BEAUTIFUL IN WHITE PIANO VERSION)

Nasa dulong bahagi ang taong kumumpleto ng buong pagkatao, ang taong nagparamdam sakin ng walang hanggang pagmamahal, ang taong nagpalakas ng loob ko.

Akala ko dati pang basurahan lang ako, ngayon nasa altar na ako at ikakasal sa isang gwapong nilalang.

"I love you." Sabi ko kay Ezar ng makalapit ako sa kanya.

"Yo también te amo."

Naglakad kami palapit sa altar kung nasaan ang pari. Buong seremonya ay nakangiti lang ako at pasimpleng nagpupunas ng luha.

"I, Emery Patty Salvacion, take you, Ezar Carter to be my lawfully wedded husband...to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part..."

Sinuot ko ang singsing sa daliri niya. "Mahal na Mahal kita Ezar at pangakong sasamahan at mamahalin kita habangbuhay."

"I, Ezar Carter, take you, Emery Patty Salvacion to be my lawfully wedded wife...to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part."

Mafia Obsession: Ezar Carter [SELF PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon