Chapter Thirteen

1.1K 27 1
                                    

Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na ba akong tulala habang nasa park kami ni Khaos.

I suddenly felt numb after what happened. Naghalo-halo na lahat sa utak ko.

My family's treatment towards me, friends' betrayal, and Kyler being a two-timer.

Ano'ng gusto niyang iparating? Kaya niya kami ng kapatid ko ilagay sa palad niya para paglaruan? Pagsabayin?

Kaya ba ayaw ni Lyka na manligaw siya sa akin because she wants him for herself? All these time, siya pala ang kausap ng kapatid ko over the phone. Those times that I saw them together had a meaning and I chose to ignore my instincts.

Bakit? Kasi ba wala akong pakialam? Ang tanga ko!

"Ahmya, let's go. I'll take you home," Khaos uttered.

May parte sa aking gusto nang umuwi dahil sa pagod pero may parte rin na ayaw dahil alam kong makikita ko roon ang kapatid ko.

I hesitated to nod my head but after realizing that I shouldn't not be the one who feels shameful, I fixed myself.

Pinunasan ko ang mukha ko ng panyo ni Khaos na binigay niya sa akin dahil basang-basa na ang akin kanina. Sinuklayan ko rin ang buhok ko at naglagay nang kaunting polbo sa mukha upang magmukhang presentable kahit papaano.

"Ayos ka na?" tanong niya.

Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa tanong niya dahil nakikita niya namang hindi pero tumango pa rin ako kahit na kasinungalingan lang 'yon.

"I'm sorry about what happened."

Brows furrowed, I faced him. "Bakit ka nagso-sorry? Hindi naman ikaw ang may kasalanan sa akin."

He sighed. His soulful eyes are telling me that I can get through this . . . through all of these that I am suffering right now.

God knows how I wanted to continue but I know that He knows too that part of me wants to give up my life already.

"I seriously don't know how I will comfort you, I'm bad at this," he uttered.

"Comfort won't make me feel good, to be honest. After all that has happened, I don't think it's what I need."

"Don't lose hope, Ahmya. Something good will happen to you, 'yon lang ang alam ko dahil deserve mo ang lahat ng magagandang bagay sa mundo."

"Salamat."

Hinatid ako ni Khaos hanggang sa mismong bahay namin. I saw Papa eyeing him but I cared less. Pagod na ako para sa panibagong komprontasyon.

"Kung itatanong n'yo kung sino ang lalaking 'yon, kaklase ko. Kung bago kong manliligaw o boyfriend, hindi. Kung bago kong nilalandi ay mas lalong hindi," sabi ko saka nagtuloy sa pagpasok sa loob ng bahay.

"Hindi ba't kayo ni Kyler? Ano'ng nangyari sa inyo at bakit hindi kayo ang magkasama?" tanong niya habang sumusunod sa akin.

"Hindi naging kami, pero tanungin n'yo si Lyka. Baka sila na," sagot ko. "Si Lyka naman ang pag-initan ninyong makipaghiwalay kay Kyler ngayon."

"Ano'ng sinasabi mo riyan, Ahmya?" sumingit si mama.

"Tanong n'yo sa magaling n'yong anak," napapagod kong sabi saka nagtuloy sa pag-akyat.

Hindi na sila nangulit pa. Hinayaan nila akong makapasok sa kuwarto ko nang walang narinig sa kanila na kahit ano tungkol sa mga sinabi ko.

An hour later, I heard them talking loudly, para bang nagtatalo at ang hula ko'y kausap nila si Lyka. It was the first time I heard them shout at her, but I was a bit disappointed-again-with what I heard next.

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon