Chapter Fourteen

1.2K 23 3
                                    

My family became more silent, I know they were aware that I heard their conversation last week. Sa liit ng bahay namin, imposibleng hindi sila marinig.

They are acting innocent na para bang wala silang kasalanan. They are not that rude anymore pero hindi rin naman sila gano'n kabait. Wala na akong pakialam. Basta ginagawa ko kung ano ang sinabi nilang obligasyon ko sa bahay. Sa puntong iyon ay wala na silang maisusumbat pa.

Ang dami kong p'wedeng isumbat sa kanila pero hindi ko na pinamukha 'yon dahil alam kong alam nila sa sarili nila kung ano ang mga 'yon.

Isang malaking sampal pa sa kanila kung ilalahad ko lahat, nakakahiya naman. Palamunin lang naman ako.

I was about to cook breakfast when mama came in.

"Ako na ang magluluto," aniya.

"Ako na ho." Saka ko tinuloy ang paghihiwa ng sibuyas.

"Ako na. Lumabas ka na roon."

Dahil ayaw ko nang makipagtalo, binaba ko na ang kutsilyong hawak ko at lumabas na ng kusina. Nakasalubong ko si papa pero nag-iwas agad siya ng tingin.

"Ate . . ." Lyka called me surprisingly.

Papa looked at her, too. Instead of asking why, I ignored her . . . like she always does to me.

Sa dami ng kasalanan niya sa akin, ito ang pinakamatindi. Noong una'y pinapalampas ko pa, ayos lang kasi nga kapatid ko siya pero ngayon . . . sa tingin ko, hindi ko kaya.

After all the they've done, I don't think I can forgive them easily. I can't just let it pass like it didn't happen. All the words that they threw have been an echo. Paulit-ulit ang mga iyon sa utak ko na kahit ayaw ko nang isipin, parati ko pa ring naririnig.

Kyler just don't get what I said to him, para bang hindi siya makaintindi na ayaw ko na. Katulad ngayon, nag-aabang na naman siya sa gate.

"Ahmya . . ." Sinundan niya na naman ako.

Nahihirapan ako sa ginagawa niya. Gusto ko nang kalimutan lahat pero paano ko gagawin 'yon kung ganiyan siya. Hindi ganoon kadali magpatawad.

Ang dami ko ng masasakit na naranasan, nagkamali pa ako na dinagdag ko siya sa buhay ko.

"Kausapin mo naman ako," pakiusap niya pa rin.

Pagod ko siyang tiningnan. "Puwede bang tumigil ka na? Nagmumukha ka na lang tanga, Kyler. Ayaw na kitang makausap . . . at kung posible nga lang, ayaw na rin sana kitang makita. Lason ka! Lason kayong lahat sa buhay ko! Kaya naman, p*tang ina, maawa ka na sa 'kin. Tigilan mo na ako."

I walked away with a heavy heart. Wala na akong maiiyak pa. Napagod na rin ang mga mata ko sa walang sawa no'ng pag-iyak . . . sa mga taong hindi naman karapat-dapat.

"He will seriously not stop bothering you," Khaos commented while laughing. "Kung ako na lang kasi sana."

"Galawan 'yan ng mga sulutero. Manahimik ka!"

Nang-aasar na naman siya, minsan napipikon na ako pero mas pipiliin ko naman na siya ang makasama ko.

"Kapag 'di ka pa tumigil d'yan, bubusalan ko na talaga bibig mo," sabi ko saka siya inirapan. "Tabi nga! Ang laki mong harang sa daraanan."

Inakbayan niya ako pero agad ko siyang siniko sa tagiliran. Takot pa rin ako sa sasabihin ng ibang tao, maaaring bumaligtad ang k'wento dahil sa lawak ng isip ng mga mapanghusgang tao.

Baka mamaya'y maririnig ko na lang na kaya nagloko si Kyler ay dahil nauna ako. Ako na naman ang mali. Nailing na lang ako. Aren't they aware that they could affect someone's mental health?

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon