Chapter 44

9.7K 675 119
                                    

We were once again greeted by the workers after parking North's car sa tabi ng sasakyan ko. I noticed some already left and were replaced by someone else to eat. This time ay halos sundan na nila kami ng tingin.

No wonder, umalis akong mag-isa tapos pagbalik ko ay may kasama na ako — tapos agaw pansin pa dahil maganda at matangkad.

North looked dashing with her maroon crop top jacket na hanging ang laylayan, underneath was a printed black spaghetti strapped tank top and was loosely tucked-in in her navy blue high waisted ripped jeans. She paired it with a dirty white Vans slip on. She didn't do anything with her hair, simpleng nakalugay lang ito.

Kahit ako napapatulala, eh. Pinipigilan ko lang talaga.

"Si Tatay po, nakita ninyo?" I asked no one in particular.

Ramdam ko sa gilid ko si North, maging ang kamay niyang naglalaro sa damit ko. She's like a kid sometimes. Wala siyang imik pero napapansin kong nakangiti lang siya.

"Kakapasok la-ang ni Ser sa inyong bahay, Ma'am Paris."

"Thanks po!"

Hinawakan ko sa kamay si North at giniya hanggang makapasok sa loob. Sakto ay kalalabas lang ni Tatay sa direksyon galing kusina, may dala itong blue container na tantiya ko ay tubig ang laman. Mukhang napagod nang kakaparoo't parito sa pagdadala ng pitsel.

Napatingin kaagad siya sa kasama ko at napatango na parang gets nito kung bakit ako nawala saglit.

"Tay, si North po."

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Nasabi ko naman na kasi kay North na hindi ko pa nasasabi sa pamilya ko na kami na. She said it's okay and I should just take my time to get ready. Sa kanya raw kasi, as arrogant in may sound, she doesn't really mind kung malaman ng family ko o hindi. It's up to me raw.

Pero sa end niya, she only needs the approval of her sisters and doesn't really care about her Dad's.

But I wanted my family's approval — all of them. I'm just glad that North understands me and she's not forcing me on anything. As she said, we'll just take our time and be at our own pace.

"Magandang tanghali po, Tito Sisko." Kaagad lumapit si North para magmano sa tatay ko.

Hindi ako nagmamano pero gawain niya talaga iyon ever since. Napangiti naman si Tatay sa kanya at tumango ulit ng makailang beses. Matapos no'n ay dumikit ulit sa akin si North.

"Hindi nabanggit ni Paris na pupunta ka. Kumain ka na ba?"

"Hindi rin po niya alam na pupunta ako, eh," North laughed at para bang nakakahawa iyon na pati kami ay natawa. Pero may kaba pa rin talaga sa akin. Ang weird, para akong teenager na nagtatago ng jowa — which is totoo naman dahil hindi ko pa nasasabi. "Hindi pa po ako nagl-lunch. Kumain na po ba kayo, Tito? Sabay-sabay na po tayo?"

"Nakisabay ako kumain kanina diyan sa mga tao sa labas. Si Paris ay hindi pa, magsabay na kayo."

"Sige po, 'Tay."

"Thanks po, Tito."

Mabilis din itong umalis. Saka ko dinala si North pakusina dahil nandoon din ang dining area. I let her take a seat and motioned her to just wait while I was preparing the food.

Ilang putahe rin ang inilagay ko sa lamesa pati rice. I got us some water before I sat beside her. "Sina Tatay nagluto, patulung-tulong lang ako."

"You must be tired." she said. Kumuha na siya ng kanin at ulam. Hindi pa ito nakuntento at pati ang plato ko ay nilagyan niya. "Do you want to take a rest later? Where's the other pala?"

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon