CHAPTER 5

21.6K 1.2K 741
                                    

Vaughn



Mainit ang ulo na hinubad ko ang suot na chef's coat saka ito inihagis sa laundry basket. Inis kong binuksan ang cabinet saka kumuha ng panibagong damit.

That little girl really had the audacity to pushed me and called me 'manyak'. Siya na nga yung tinulogan kong huwag mahulog, ako pa tuloy ang napuruhan. Tumama ang ulo ko sa mesa dahil sa lakas ng impact ng pagtulak niya. Tapos hindi pa siya nakontento at binuhusan pa niya ng red wine ang suot ko, sino bang hindi maiinis?

This is the reason why i don't like students taking their on the job training on my kitchen. Nakaka-perwisyo at nakaka-sakit lang sa ulo ang hatid ng mga ito. I never allowed this to happened pero nakiusap sila Chef Warren at Chef Lucia sa'kin na kumuha para may taga-assist sa kusina. Okay lang sana 'yon kung matino yung kinuha nila pero halos lahat e mga palpak. Basic rules nga lang ng pagsuot ng hairnet ay hindi pa makuha.

Hinubad ko ang basang t-shirt saka nagbihis ng bago. Kapagkuwan ay padabog akong umupo sa swivel chair saka nilagyan ng cold compress ang ulo ko. Nasa ganitong posisyon ako nang bumukas ang pinto ng opisina.

"Boss." tawag sa'kin ni Chef Warren.

"I hope you bring some good news. Napa-alis mo na ba ang mga interns?"

"Boss, we badly need them right now. Kulang kasi tayo sa mga kitchen staffs."

"Akala ko ba nag-mass hiring ka na?" inis kong tanong.

"Oo, pero konti pa lang yung nag-apply at majority sa kanila ay taga probinsya."

Bumuga ako ng hangin. "Fine, keep them. Basta siguradohin mo lang na maayos ang trabaho nila. Huwag mo silang hayaan. Guide them. Lalo na yung maliit na babae."

"Rest assure boss. Makaka-asa ka po." tila ito nakahinga ng maluwag

"And about the hiring process. Let me take care of that. Ipapasa ko ang trabahong yan sa HR team sa isang kompanya ko. Mag-focus ka lang dyan sa pag-manage sa kusina at mga interns."

Tumango si Chef Warren at saka lumabas na ng opisina.

Inabot ko yung telephone cord saka nag-diall sa HR department ng Tuazon Corp.

"Hello, Tuazon Corporation. How may i help you?" sagot ng babae sa kabilang linya.

"This is Vaughn."

"B-boss!" bigla itong nataranta. "Ano pong ipaglilingkod ko sa inyo?"

"Mag-mass hiring kayo ng mga kitchen staff sa V's Palace Main Branch. Maximum of 9 with at least 2 years of experience in professional kitchen. Dapat next week ay makapag-start na." yun lang bago ko pinutol ang tawag.

Tumayo ako at bumalik sa kusina saka tinignan ang kinaroroonan ng babaeng intern kanina, pero wala na siya sa pwesto niya at yung lalaking kasama niya lang yung naiwan. Lumapit ako dito para mag-tanong.

"Hey you." tawag ko sa lalaking intern.

"Po?" lumingon ito sa akin.

"Nasaan na yung kasama mo dito kanina?"

"Uhm umalis na po siya boss."

Hindi na'ko nagtaka at nagtanong pa. Nag-concentrate nalang ako sa pag-assist ng mga chef at crew sa kusina.

Nasa Pastry team ako ngayon at tinignan ang bawat pastry bakers sa ginagawa nilang mga desserts. Naagaw sa atensyon ko ang isang baker doon na kasalukuyang naglalagay ng icing sa isang cake, nilapitan ko ito.

"Can i have a taste?"

"Sure boss." kumuha ito ng maliit na slice saka yun ibinigay sa'kin. Tinikman ko ang cake pero di ako masyadong nasasarapan.

A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon