Kabanata 25

98.4K 3.8K 4.1K
                                    




Kabanata 25:




"All bow to our Countess!"

My face was straight and blank when I got off the private airplane that took us to Clark Pampanga, where I would stay with my children. Kaagad kong nalanghap ang pamilyar na hangin na tumama sa aking mukha, malamig iyon lalo't papasikat pa lang ang araw.

There were rows of guards at the bottom of the plane that waiting for us.

Hindi ako makapaniwala na muli akong makakatapak sa bansang ilang taon kong iniwasan balikan. Siguro dahil alam ko sa sarili ko na kahit ano man datnan ko rito ngayon ay hindi na ako apektado pa katulad noon.

Ngunit hindi ibig sabihin no'n ay nakalimutan ko na lahat. Maybe time simply blurs the pain, but it doesn't remove the scars.

Hawak-hawak ko sa aking kanan kamay si Gael habang pababa kami sa hagdanan ng pribadong eroplano. His little chubby body is perfectly fitted into his maroon suit, which matches my silky maroon dress.

Sa aking likuran ay nandoon si Gideon, Giana at Gavin.

Naunang bumaba si Raim na siyang sumabay sa amin pabalik dito dahil nga hindi naman makakasama si Kuya Maddox at Anna. I still can't believe the young lady who used to serve is now my brother's wife. What a beautiful story it is. Good for them, actually. They are both lucky to have each other. Anna is compassionate and can balance my brother's royal mood swings, but in terms of loyalty, I am sure Kuya Maddox will cherish his family more than anything.

Nag-aabang si Raim sa amin sa pinaka ibaba, sumaludo sa kaniya ang mga guwardiya na nakaitim na uniporme.

Kaagad kong kinastigo ang aking nasa isip nang may maalala sa damit na iyon.

May sinabi pa sa kaniya ang isa na nasa tingin ko'y mas mataas ang rangko, tumango si Raim sa sinabi nito bago bumaling sa amin. Lumawak ang kaniyang ngisi nang magtama ang tingin namin.

Daddy and Mommy are also there in the gazebo, waiting for us. I saw Mommy waving her hand while wearing her usual black fur scarf and Daddy with his golden cane.

Tumingala sa akin si Gael at ngumuso pa, pamilyar ang kaniyang mga mata, halos walang pinagkaiba, kulay at hugis ay kuhang-kuha.

Napabuntonghininga na lang ako bago tipid siyang nginitian, alam ko ang kaniyang gustong mangyari.

Gano'n nga ata kapag anak mo, kaunting bagay lang ay tansiyado mo na.

Tumango ako saka binitawan ang kaniyang kamay, kaagad siyang nagtatakbo papunta sa dulo ng private airport namin kung nasaan nag-aabang sila Daddy.

Nagtatakbo rin si Gavin na hinihila si Giana sa braso na ngayon ay simangot na naman.

"Let's go, Ate Giana! Let's go! Abuelo and Abuela are waiting!" ganadong sabi ni Gavin.

"Jusmisyo mahabagin Gavina, aking kapatid na sirena. Maghunos-dili ka, hindi aalis sila Lolo at Lola, dapat ay may poise tayo, para kunwari ay yayamanin tayo." Narinig kong bulungan nila bago sumunod kay Gael na ngayon ay nasa gazebo na at yakap-yakap na nila Daddy.

"Calm down." I mumbled when I saw them running too.

Kahit kailan talaga ang dalawang 'yon.

I looked at Gideon, who was helping the female attendant with our luggages.

"Gideon, let them do their job." I told him softly, the woman bow her head to me.

Mukhang nahiya siya sa biglang puna ko dahil kaagad niyang inagaw ang maletang itim kay Gideon.

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon