Chapter 30

2.8K 114 3
                                    

Chapter 30. Revelations



Kinabukasan ay halos sabog na ako at parang wala sa sarili. Sobrang lalim ng iniisip ko ngayon. Today is March 11. It's been what? It's been three years, right? Sobrang tagal na pala ng panahon, eh.



I am now wearing a trendy blue and white banker striped frilly top and a red nautical inspired skirt on my lower part partnered with chunky peep-toe heeled sandals with high socks. Today's Treice and Jake childhood friend's birthday and we are all invited.



Lahat kami ay pormadong-pormado na. Strawberry is wearing a floral maxi dress with wide belt in complementary color. While Jake and Treice are wearing tuxedos and black slacks. Tinupi ni Treice hanggang siko niya ang polo sleeves niya at ganoon din ang ginawa ni Jake.



Kami ni Strawberry ay pinagmamasdan ang aming repleksyon sa salamin. The party will start at seven PM. We still have two hours left. Iyon ang sabi nila ni Jake, magsisimula raw ang kaarawan ng kaibigan nila mga alas siyete ng gabi. Nag-ayos na kami dahil sabi nila, maaga raw kaming pupunta roon.



"Kumusta pakiramdam mo?" tanong ni Strawberry na pumutol sa katahimikan sa pagitan namin.



"I don't know... pero parang kabado ako, eh," I confessed.



"Don't worry, kasama mo naman si Treice... kasama mo kami kaya---"



"Hey! Let's go, babe!"



Naputol ang sinasabi ni Strawberry nang biglang nagsalita si Treice. Inakbayan niya ako kaya hindi na natuloy ang usapan namin ni Strawberry. Hinatak niya ako at nauna na kaming lumabas, kaagad din namang sumunod ang dalawa sa amin.



"Gorgeous wife," bulong ni Treice.



"Aywan ko sa 'yo, Treice." I chuckled. "Anyway, sasabay ba sa sasakyan mo sina Strawberry?" I asked.



Umiling si Treice. "No, babe. Doon sila sasakay sa sasakyan ni Jake."



"Ah..." Tumango ako. "Tara na, tumungo na tayo sa sasakyan mo."



Kaagad na tinahak namin ang sasakyan niya. Treice reached for the handle and opened the shotgun's door for me. I immediately stepped inside and Treice also entered the driver's side when he finally done closing the passenger's door for me.



I placed my purse on the backseat before fastening my seatbelt. Treice fastened his seatbelt also. He started the engine after that. Dahan-dahan niyang minaneho ang kaniyang sasakyan. Sumulyap lang ako sa kaniya bago binaling ang aking tingin sa labas.



Sometimes, I am an unreadable person, no one can guess what I'm thinking of. Pero minsan ay mayroon talagang mga tao na kayang basahin ang iniisip ng isang tao, but I am not one of those psychotics. I am just a normal lady.



I was thinking so deep when Treice suddenly stopped the car on the side road. Bumaling ako sa kaniya at inarkuhan siya ng kilay nang matagpuan siyang nakatitig na sa akin ngayon. I looked away, baka mapansin niya kasing may iniisip na naman ako.



"What are you thinking, babe?" he asked.



Sabi na nga ba, tatanungin niya talaga ako tungkol diyan. Nawe-weird-duhan siya siguro sa akin ngayon. Ang tahimik ko kasi dahil iyon sa naalala ko simula kahapon. Today's date, March 11, was really my special day... but also my worst day ever.



"Wala, Treice," sagot ko lang sa tanong ni Treice.



"I noticed that you are being silent since yesterday. Is there something wrong, babe?" he asked me worriedly.



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now