15

1.8K 61 70
                                    

15


Hinihingal ko siyang tinulak at sinampal. Rinig na rinig ang tunog nang lumapat ang kamay ko sa kaniyang pisngi at sigurado akong masakit iyon. Sa pagtagilid pa lang ng ulo niya at pamumula ng pisngi, alam kong napalakas ang sampal ko!

''Bakit mo ako hinalikan pabalik?!'' bwelta ko. Napansin ko ang pagkunot ng noo niya, mukhang nalilito kaya't tinulak ko siyang muli, nagpupuyos sa galit. ''Gago ka ba?!''

Galit na galit ko siyang tinignan. Nag-iinit ang pisngi ko dahil sa paghalik niya sa akin ilang segundo lamang ang nakaraan, pero hindi ko na 'yon masyadong inalintana dahil nagagalit ako!

Hindi ko alam kung bakit. Sinusubukan kong halukayin ang nararamdaman ko, hinahanap kung bakit ba ako nagagalit nang ganito. Dahil ba hinalikan niya ako pabalik? O dahil napagtanto ko na... tama nga ako? Na dahil sa simpleng mapanukso kong halik ay napagtanto kong gusto ko nga siya? Na may gusto nga ako kay Mayor Hassen?

At ang mabilis na pagtibok ng puso ko... ay nagdadamit lamang na galit dahil... hindi ko matanggap na may gusto nga ako sa kaniya!

''But you kissed me first,'' he reasoned out, whispering.

''Kaya nga!'' Napahawak ako sa labi ko at masama siyang tinignan. Pinagsusuntok ko ang dibdib niya, marahas at gustong maramdaman niya ang iritasyon ko. ''May tinignan lang ako, e! May chineck lang ako!''

I must be looking like a fool now! Everything was so quick. Kanina lang ay pumasok siya sa opisina namin at hindi ako pinansin. I must admit, it irritated me. Bakit hindi niya ako pinansin? Bakit 'di manlang niya 'ko tinapunan ng tingin? Galit pa rin ba siya dahil sa hindi ko pagsipot sa dapat na lunch namin?

My emotions was all over me. I felt sick! Hindi ko matanggap na naaapektuhan ako kasi hindi niya ako pinapansin... Kasi parang hangin lang ako kanina sa kaniya. Is he that mad to really ignore me? Or am I overthinking things... kasi baka ganoon naman talaga siya sa akin?

I thought about it more. Parang may mali. Parang masyado akong affected at alam ko sa sarili kong hindi ako ganoon. I don't like meddling with other people's problem— specially with men. I had a bad experience with them when I was younger so I had to distance myself.

Kaya nga wala akong pake kay Mayor Hassen, e!

Dati.

Dati 'yon.

Dati, wala akong pake. But when I realized... that this is something so grave for me, I know from myself I needed to do something to prove if I really do like him now... or just overreacting things!

Humakbang siya papalapit, hawak-hawak na ang kamay kong patuloy na sumusubok na suntukin siyang muli, para bang sinusuyo ako. At huwag na akong magalit! ''Hep! Excuse me, Mayor Hassen?! Hahalikan mo na naman ba ako?!''

He smirked while stepping forward again. Nang ma-corner niya na 'ko ay wala na lang 'kong nagawa kung hindi ang mainis. Bakit ko pa kasi hinalikan?! Ano naman kung gusto ko siya, 'di ba?!

Lumapit siya, tumapat sa may tenga ko at dahil matangkad siya sa akin nang ilang inches ay kinailangan niya pang tumungo para bumulong.

''Aren't you going to check something again? I want more kisses.'' He whispered.

Muli nag-init ang pisngi ko kaya't imbes na tulak, ay sinuntok ko na lang siya palayo. Napalunok ako nang makaramdam ang kahinaan sa gitna ng elektrisidad.

The Red Light KissWhere stories live. Discover now