Chapter 75 : Mystery Games?

832 47 16
                                    


Arabella's Pov

“Magkasama kayo? Bakit?” Tanong ni Roger at kanina pa tanong nang tanong about sa pagsabay ko kay Ruru nakita niya kasi na sumabay ako kay Ruru.

“Long story.” Sagot ko na lang at pumikit dahil nakakaramdam ako ng antok pero nawala rin 'yon dahil sa narinig ko.

“May exam na raw bukas!” Nabalikwasa ako at tumayo.

Gague totoo 'yon?!

“Weh??” Hindi ko makapaniwalang tanong pero tumawa lang siya.

“Charizz! Sa monday pa raw HAHAH!” sinamaan ko siya nang tingin at pinandilatan.

“Walang nakakatawa! Mabulunan ka sana!” inis kong sabi at umirap pero napabaling ang tingin ko kay Tantan na matamlay na pumasok.

“Christan, bakit ang tamlay mo? An'yare?” Tanong ni Liam sakaniya.

“I'm okay don't worry.” Nakangiti niyang sabi pero alam kong peke 'yon.

“Bakit kaya ang tamlay niya? Tapos lumalaki na eye bags niya.” Tanong ko.

“Better know the reason.” Dinif kong sabi ni Deven sa tabi ko.

“Nag d-drugs kaba, Tantan?” Tanong ni Jp kaya nakatanggap siya ng hampas kay Aldrin at kaltok kay Liam. “Ang sakit niyo!” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Jp.

“Hala! Baka kawawattpad ni Tantan 'yan? Pero bakit ganon walang eye bags si Nathan? Baka naman 48 hours ka nagbasa ng wattpad!” Saad ni Roger at nanlalaki ang mata nito nakatanggap naman siya ng flying notebook kay Liam.

Mga gague kasi.

“All of you shut up! Wala kayong alam.” Inis na sabi ni Liam kita ko ang pagngiti ni Liam kay Tantan at alam ko nag-aalala na siya pati naman ako pero hindi ko alam saan ko sisimulan para hanapin ang butas kung saan nagsimula maging ganiyan siya.

“Ate Cass! May roblox ka?” Tanong ni Kevin sa akin at lumapit, umiling ako kasi hindi naman ako naglalagay ng ganon. “Akin na cp mo lalagyan ko ng roblox games 'yon! Pa hostpot ka na lang kay Adrian may pocket wifi siya.” Nakangiti niyang sabi kaya kinuha ko ang cellphone ko at binigay ko sakaniya.

Binuksan naman niya at nagtipa-tipa, hindi ko nilalagyan ng password cellphone ko hindi ko alam bakit. Binigay ni Kevin ang cellphone kaya inopen ko 'yong apps na dinawnload niya at namangha naman ako wow! Ang daming games! Pagbukas ko kasi may account na pala siguro nilagyan niya and ayon namangha ako.

“Laro tayo tower of misery.” Nakangising sabi ni Kevin kaya kumunot noo ko.

“Ano 'yon?” Taka kong tanong.

“Laro, kung sino makalevel-up pataas, makaakyat ng pinakamataas may libre.” Nakangiti niyang sabi kaya kuminang ang mata ko at tumango-tango ng sunod-sunod.

Pinasearch niya sa akin ang tower of misery kaya sinearch ko at nag start na, may bilang pa bago mag start.

“Tara dali!” Saad ni Kevin kaya umakyat ako at hindi ako makaakyat kasi sunod-sunod sila umaakyat.

Tang'na! Paakyatin niyo ako!

Nakaakyat na ako kaya tumalon ako pero nahulog kaya nainis naman ako ano ba 'yan! Umakyat ulit ako at tumalon yes! Hindi ako nahulog kaya tumalon ako at nag inhale at exhale dahil mukhang mahira ang itatalon.

1 minutes left na lang at papalit na sabi kasi ni Kevin kada ubos ang oras, palit-palit ang tower na aakyatin.

Lintik! Mukhang hindi ako makakaakyat!

Naka-akyat na ako pagtalon ko bigla naggutay-gutay ang katawan ko! What the?!

“Yes! Malapit na ako sa dulo!” Napabusangot naman ako at ngumuso dahil malapit na sa taas si Kevin. tengene telege! Nabalik ulit ako sa una kaya inis na akong umakyat sa taas at tumalon pero nahulog ulit.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon