A Dream that never came

199K 2.6K 878
                                    

Disclaimer:

This story is a work of fiction and Imagination. This might contain sensitive content that is not suitable for everyone. Read at your own risk. Peace of mind is everything.
_____________


"Hindi lang pagiging magkaibigan ang gusto ko para sa atin," sabi ko sa kanya.

Nakita ko kung paano namula ang kanyang magkabilang pisngi.

"H-hindi ko alam," magulong sagot niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Anong hindi mo alam?"

Sandaling humaba ang nguso niya at nagawa pang sumimangot sa aking harapan.

"Siguradong maraming magagalit sa akin pag nalaman na tayo na..."

Napaawang ang bibig ko. Wala pa nga akong sinasabi ay inunahan niya na ako.

Wala akong nagawa kundi ang ngumisi. "Liligawan pa muna kita...masyado kang nagmamadali," pang-aasar ko kaya naman mas lalo siyang namula.

"Nakaka-inis ka!" asik niya sa akin pero napakagat lang ako sa aking pang-ibabang labi at nagtaas ng kilay sa kanya.

"Liligawan kita..."

Mabilis siyang nag-iwas nang tingin. Ang mapungay niyang mga mata ay mas lalo pang pumungay.

"Maraming may gusto sayo...maraming magagalit sa akin," laban niya pa rin.

"Wala akong pakialam sa kanila," nakangising sabi ko sa kanya kaya tumalim nanaman ang tingin niya sa akin.

"Ikaw ang gusto ko," pinal na sabi ko.

Kung sasagutin niya ako at magiging kami...It's a fucking dream come true!.







(Maria_CarCat)

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon