Chapter 31

2.7K 111 21
                                    

Chapter 31. Why



It's been three years since Kendrick left me. It's been three years since he chose his career over me. Sobrang tagal na pala simula nang iniwanan niya ako, 'no? Pero 'yong trauma at sakit na iniwan niya sa akin ay nandito pa rin hanggang ngayon, pilit na binabalik-balikan ako kahit ano mang limot ang gawin ko.



I felt betrayed because no one told me that this is Kendrick's birthday party. Nandito rin sina mommy, ibig sabihin ay alam din nila na dumating na talaga si Kendrick. I thought, she despised Kendrick? Pero bakit nandito siya? She, Strawberry and Aerol. Hindi man lang nila ibinanggit sa akin ang tungkol dito. Strawberry know this, pero hindi niya man lang sinabi sa akin.



"Why?" the only thing came out from my mouth. I mouthed that to Aerol who's staring at me. "Why you didn't tell it to me?" I whispered to the wind.



Umiling siya sa akin. Siguro, gusto niyang ako mismo ang makatuklas ng lahat. What an unexpected, huh? Hindi ko inaasahan ito, eh, hindi ko inaasahan na aabot sa ganito. Damn! Kendrick and Treice are fucking friends! Tang ina, tinuhog ko ang dalawang magkaibigan!



"I-I have to go..."



Mabilis akong pumihit patalikod at walang pasubaling na tinalikuran ang lahat. May mga namumuong luha na sa aking mga mata ngayon dahil sa samu't-saring nararamdaman.



Kailangan ko nang lisanin ang lugar na 'to at baka magkita pa kami ni Drick. Fuck! There's a possibility that Treice might find out that his friend and I had a relationship back then! Hindi ko na alam kung paano ipaliwanag ang lahat kapag malaman ni Treice ang nakaraan ko mula sa iba. Natatakot ako sa maaaring mangyari, natatakot ako na muli akong iwanan.



Sa sobrang pagkakataranta ko ay may nabangga ako na sanhi nang pagkabagsak ko sa sahig. Inalis ko lang ang mga nagbabadyang luha sa aking mga mata at tumayo sa sarili kong paa. Tumalikod ako at akmang maglalakad muli nang makarinig ako ng pamilyar na boses.



"Stella?"



Nanlambot ang mga tuhod ko nang marinig ang pangalan ko. Alam kong iisang tao lang ang tumatawag sa akin sa pangalan kong iyan. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago unti-unting humarap sa lalaking nasa likuran ko ngayon.



Kendrick looked disbelief when he stared at me. Hindi siya makapaniwala na makita akong nandito rin. Of course, sa ginawa niya sa akin noon, eh. Umaasa pa siyang magpapakita ako sa kaniya?



Kung alam ko lang sana na party niya ito, sana hindi na lang ako tumuloy rito. Nakapagsisi na tumuloy pa ako at nagtagpo muli kami ni Kendrick kasi... bumabalik ang sakit na pinaranas niya sa akin tatlong taon ang nakalipas. Nandito pa rin iyong sakit, eh, kahit ano mang pilit kong burahin ito... hindi ko magawa.



"It's been years... H-How are you?"



Humalakhak ako sa kabila ng bigat sa dibdib ko. Simpleng tanong lang iyon at parang kasuwal pa sa kaniya pero nakakasikip naman sa damdamin ko. Akalain mo kasi, matapos niya akong iwanan noon ay tatanungin niya pa ako kung kumusta ako ngayon? What a great question!



I faked a smile. "I'm fine, Drick. Isn't it obvious?"



Napaiwas siya ng tingin sa pabalang kong saad. Napalunok lang siya bago inayos ang kaniyang sarili at muling humarap sa akin. He forced a smile and took a deep breath.



"Uhm... can we talk? I am sorry, I was---"



"Maris! Ba't ka umalis kaagad doon?"



Taming A Beast (Passion Series #1)Where stories live. Discover now