Kabanata 36

13.5K 286 8
                                    

KABANATA 36 :: SINIGANG

"Where have you been?" salubong ni Kleindro nang makapasok ako sa penthouse.

Nabungaran ko siyang komportableng nakaupo sa malambot na sofa habang ako ay halos maligo sa sariling pawis.

Paano ba naman iritang-irita ako buong oras ng byahe. Hindi ako makapagsalita dahil may pesteng tape sa bibig ko. Kung hindi pa namin kailangang bumaba hindi yata nila tatanggalin.

"Ask your guards!" bulyaw ko.

"Sir, sorry po galit sa amin si miss Vanna, ayaw nya kaseng sumama..." anang isang gusard na nasa driver seat kanina.

Alam pala nilang galit ako?!

"Masyado bang pasaway?" tanong ni Kleindro, nakataas ang sulok ng labi at nagbabadya ng ngiti.

Subukan lamang niyang ngumiti at ipapalunok ko sa kanya ang malaking vase sa ibabaw ng center table!

Padabog akong umakyat sa ikalawang palapag kung nasaan ang master's bedroom matapos siyang irapan.

Inihagis ko ang aking bag sa kama at basta na lamang naghubas ng sapatos para makadiretso sa banyo.

Mas mataas na yata kaysa normal ang temperatura ng aking katawan.

Nawala lamang iyon matapos ang malamig na shower. Kahit tapos nang mag-ayos ay pinili kong manatili sa kwarto para matulog.

Baka kung ano pang magawa ko kapag nakita ko ang mga hinayupak na 'kumidnap' sa akin kanina.

Dinner na ng magising ako. Sabay kaming kumain ni Klein pero sa tuwing tinatangka niyang bumuo ng conversation ay palagi siyang barado.

"Nasa opisina lang ako," paalam niya.

Hindi ko aiya pinansin at dire-diretsong pumasok sa kwarto para tingnan ang mga mensahe doon.

Deleted ang thread nang conversation namin ni Dairene kaya nagkusa na akong itext siya.

Ako:

Gising ka pa?

Habang nahihintay sa kanyang reply ay inayos ko muna ang pagkakahiga sa kama.

Ini-on ko ang malaking tv na bihira kong gamitin at hinayaan na mahina lamang ang volume noon.

Nang mag beep ang aking cellphone ay dinungaw ko agad iyon pero notification lamang sa Facebook kaya bumalik ako sa pinapanood na cartoon.

Matagal bago nag reply si Dairene.

Dairene:

Mabuti naman naalala mo ako.

Ako:

Drama queen.

Dairene:

Whatever, I was about to text you. Sama ka bukas.

Ako:

Saan aber?

Dairene:

Night out with my officemates.

Ako:

Officemates? I thought you're the boss?

Dairene:

Nag i-intern ako sa kompanya ni Tito, ewan ko ba sa nanay ko pabago-bago nang isip. Ano sama ka?

Ako:

Eh hindi naman ako mahilig mag bar. Tsaka baka ma-out of place ako?

Dairene:

Hindi yan! Two girls, two gays sila kapag na out of place ka pa sasayaw ako sa stage nakahubad.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon