Kabanata 44

12.6K 280 2
                                    

KABANATA 44 :: FAST FOOD

Inisantabi ko ang cellphone at nagpatuloy sa paliligo. Medyo natagalan ako dahil kaunti na lang ang shampoo. Mabuti at may nahanap ako sa cabinet.

Matapos mag-ayos ay nahiga ako sa kama at tumitig sa kisame.

Kung nakakatunaw ang tingin baka kanina pa iyon bumagsak sa akin kasama ang mag-asawang butiki na panay ang habulan.

"Mama?" mahina kong usal nang makita si Mama sa paanan ng aking kama.

Bumangon ako para yakapin siya pero agad ding napaatras nang biglang manlisik ang kanyang mga mata.

"B-Bakit po kayo nandito?"

"Wala ka talagang kwenta! Ano itong grades mo?" bulyaw niya sa akin.

Sumikdo agad ang kaba sa aking dibdib nang maalala ang isang major ko na hindi kataasan ang grado. Pasado lahat pero hindi pwede sa mga magulang ko ang pasado lang.

Nangangatal ako sa sobrang kaba.

"P-Pagbubutihin ko po sa susunod-"

"Wala nang susunod! Huwag ka nang mag-aral!"

Sa lakas ng kanyang boses ay mas natuliro ang aking utak. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag na mahirap ang laboratory exam namin kaya hindi ganon kataas ang grades ko.

Hindi ko nagawa nang maayos ang microscopic research na syang exam namin sa biology dahil kasabay iyon ng iba pang subject pero gaya ng aming guro, wala ring pakealam ang aking ina.

"M-Mama..."

"Aba't sumasagot ka pa?"

Tinawid niya ang distansya namin at hinablot ang aking buhok kaya awtomatikong nanubig ang mga mata ko nang maramdaman ang sakit noo. Parang anumang oras ay hihiwalay ang buhok sa aking anit.

"Bwiset ka talaga! Sinasayang mo ang pera namin!"

Akmang sasampalin niya ako kaya agad akong umilag at ipinangtakip sa aking mukha ang braso. Doon tumama ang kanyang kamay at agad na rumirestro ang sakit na dulot niyon.

Mas lalo siyang nag puyos. Nahagilap ni Mama ang unan at iyon ang paulit-ulit na ipinapalo sa akin walang pakealam kung saan ako tatamaan.

Hindi ako makailag dahil mabilis siya. Humiga na lamang ako sa kama, patalikod sa kanya at itinakip ang braso sa aking ulo kaya katawan ko ang natatawaan.

Galit na galit oa din si mama.

"M-ma... Mag-aaral po ako..."

"Hindi na! Sapat na si Mocha na nasa ibang bansa. Dito ka na lamang sa bahay!"

Nanlumo ako nang maisip ang kapatid na madalas iminukumpara sa akin. Kapag nga naman siya ang kalaban, walang-wala ako. Mas matalino, mas maganda, mas paborito ng lahat.

Hinayaan ko siyang hampasin ako hanggang sa magsawa siya at padabog na umalis sa aking silid.

Hilam ang luha sa aking mata nang magising. Marahas rin ang pag taas baba ng aking dibdib.

Hindi ko alam kung ala-ala ba iyon o bangungot na.

Pilit kong pinakalma ang sarili habang paulit-ulit na nag-iisip ng masasayang ala-ala para lamang tabunan ang pait sa aking sistema.

Tama nga siguro sila. Ang sugat na hindi inampat, mas lumalala. Matagal na panahon kong inakala na ayos lang na saktan ako.

Dapat ngang ipagpasalamat na hinayaan nila akong mabuhay. Kahit paano kinupkop at inaruga pa din nila ako.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon