16

15.2K 551 126
                                    


HIS ARMS held her possessively. Kanina pa tulog si Nayumi subalit nanatili siyang gising. Pagkatapos ng mainit na pagniniig, pagkatapos ng sandaling kamatayan nang sapitin niya ang walang katumbas na kasukdulan, now he knew the difference between sex and making love.


He had had sex with Thea, and the women before her, and Lizzie. But he made love to Nayumi.Sa ibang mga babae, hanggang maaari, he preferred any position where he didn't have to look into the woman's eyes. It was impersonal that way.


But not with Nayumi. He wanted to see her face as she gasped and moaned in each and every thrust he made. And he wanted to see her eyes as she experienced that small death as he gave her her climax.


He had found paradise in that first moment of joining. He was his first lover. Hindi niya maiwasan ang makadama ng pagmamalaki.


Gusto niyang sabihin ditong hindi lang iyon sex. That he made love to a woman for the first time in his goddamn life. And that he couldn't get enough of her... that he wanted it to go on and on until he couldn't even raise a limb.


He wasn't a selfish lover. Wala siyang natatandaang babaeng hindi niya nadala sa kasukdulan. Pero wala rin siyang babaeng natatandaang niyakap niya pagkatapos ng pagtatalik... maliban kay Nayumi.


Gumalaw at umungol ito. Hinagkan niya ito sa noo—another thing that surprised him. Hinawi niya ang buhok ni Nayumi palayo sa magandang mukha nito. Then her hand went instinctively around his chest. Muli itong nahimbing. Her body pressed tantalizingly against his.


Nanatili siyang gising at nakatitig sa kisame. Instant need and desire consuming him. Pero hindi niya kayang gisingin si Nayumi para pawiin ang pagnanasang nararamdaman. She was exhausted, and sore.


It was another first for him—caring.


At kinatatakutan niya ang maraming damdaming pinukaw sa kanya ni Nayumi. Para dito, he was her hero, her knight in shining armour. Pero pantasya ang mga iyon. Pagkatapos ng gabing iyon ay ano?


Kung sana'y natutupad ang mga kahilingan, he would just have but one wish—ang sana'y huminto ang pag-ikot ng mundo at manatili si Nayumi sa mga bisig niya.


HINDI matiyak ni Nayumi kung bakit siya nagising. Pero nakadarama siya ng pamamanhid ng katawan at pangangapos ng hininga. Sinikap niyang kumilos. Pagkuwa'y natanto niya ang dahilan kung bakit nagising siya.


Mahigpit na nakayakap sa kanya si Ivan na tila ba natatakot itong makawala siya. She smiled softly. Unti-unting niluwagan ang braso nito mula sa pagkakayakap sa kanya. Mula sa liwanag na nanggagaling sa lampshade ay tahimik niyang pinagmasdan ang magandang mukha nito. Banayad niyang hinaplos ng daliri ang mga labi nito.


She shivered a little. Oh, my god, what those lips could do.


"You warned me not to fall in love with you..." she whispered. "I said that won't happen. Because it's hard to fall in love with someone you already loved. But you won't know that. No matter what tomorrow brings, I will always remember tonight, Ivan..."


Banayad niyang hinagkan ito sa mga labi upang hindi magising. Pagkatapos ay isiniksik ang sarili sa dibdib nito. Pagkalipas ng ilang sandali'y tulog na siyang muli.


**********Grabee kayooo Ivan at Nayumi, Sunday na sunday eh my goodness my innocent mind and body char hahaha. - Admin A . Kumusta kayo mga beshie? ****************

Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon