Chapter Thirty Four

22.3K 1.4K 1.1K
                                    

Chapter Thirty Four

"Tulungan mo naman akong maging kami ni Seb."

Napatitig ako kay Mona dahil sa sinabi niya. Nagkamali ba ako ng dinig? Nagpapatulong siya sa akin para maging sila ni Seb?

Pero sinabi ni Seb sa kanya na ako ang gusto niya...

So bakit sa akin siya nagpapatulong?

Napaisip ako maigi.

Kung sabagay. Kung alam ni Mona na ako ang gusto ni Seb at sa akin siya lumapit para mag patulong, alam niyang hindi makaka hindi si Seb sa mga requests ko.

Kung totoong gusto talaga ako ng tao. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin kayang paniwalaan 'yon. Napaka imposibleng mangyari.

But still...

"Uy, ba't ayaw mong sumagot?" tanong ni Mona sa akin while pouting. "Ayaw mo ba ako para kay Seb?" malungkot niyang sabi.

"Hindi--!" mabilis ko namang depensa. "Pero bakit sa akin ka nagpapatulong? Bakit hindi kay Chichi o kay LJ?"

Mas lumapit sa akin si Mona at ipinulupot niya ang kamay niya sa braso ko. I cringe, but tried my best not to show it to her para hindi siya ma-offend.

Hindi ako sanay na may nagpapaka clingy sa akin. Weird na pag sina Chichi, LJ o Seb ang lumalapit sa akin, hindi ako nag c-cringe. I guess hindi pa talaga ako comfortable kay Mona.

And right now, she's really making me feel so uncomfortable.

"Eh ikaw ang pinaka close kay Seb," sabi naman ni Mona sa akin.

Umiling ako, "actually, si Harold ang pinaka close kay Seb."

"I cannot ask Harold to help me. I don't want him to get hurt."

Napalingon ako bigla kay Mona dahil sa sinabi niya.

"What do you mean?"

Mona bit her lip at napabuntong hininga siya, "well, ayokong maging assuming pero, I feel like Harold likes me."

I blink. I blink again. Wait, alam kong matagal na naman akong naghihinala, but still, parang nirereject ng utak ko ang kung ano mang ang sinasabi ni Mona sa akin ngayon.

"O-oh?" sabi ko while trying my best to keep a straight face. "Paano mo naman nasabi?"

"Madalas siyang nag m-message sa akin, and he's way too kind to me. Maybe assuming lang ako, pero iba ang sinasabi ng gut feel ko, eh."

Napalunok ako dahil pakiramdam ko parang may nakabarang kung ano sa lalamunan ko. I feel like someone just punched me in the gut. Alam kong gut feel lang niya yon at ganoon lang talaga si Harold, mabait sa lahat. Pero kung napapansin ni Mona na iba siya pakitunguhan nito---which is napapansin ko rin naman---aba baka tama nga talaga ang hinala niya.

"That's why I cannot ask him to help me," sabi ni Mona at napahawak ulit siya sa akin. "Tsaka iba pa rin kung babae ang tumutulong sa akin. Please, help me. Please!" sabi nito habang pinag didikit ang dalawang palad niya.

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin kay Mona. Nakatingin lang ako sa kanya without reacting.

Una, gusto kong umiyak dahil sa sinabi niya about Harold. Pero alam kong hindi ako dapat umiyak kasi wala naman mangyayari kung iiyak ako. Hindi naman niya ako magugustuhan kung iiyakan ko siya. Pero wow saglit lang, masakit siya. I tried to numb myself, pero mukhang malabo ngayon na wala akong maramdaman kasi sobrang evident ng pain na hindi ko alam paano makakawala dito.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon