Kabanata 09

1.7K 45 0
                                    

Humakbang ako ng dahan dahan papalapit kay Allen. Niyakap ko siya ng mahigpit at hindi naman ito umiwas. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Ngayon kasama ko ang asawa ko sa espesyal na araw ko.

"Mabuti naman at nakarating ka."

Masungit na sabi ni Faith. Alam kong hindi siya pinilit ni Faith dahil ayaw niyang makipag-usap kay Allen. Ganon din si mama hindi nakikialam sa problema namin.

"Adriel I know that you're very very happy." Papa said.

Tumango ako. Hindi ko ma explain kong gaano ako kasaya ngayon. Parang lumulutang ako sa mga ulap dahil sa saya na nararamdaman.

Inilahad sa akin ni Allen ang hawak niyang bulaklak. Kaagad ko naman itong kinuha. Namamangha ako sa ganda at amoy ng bulaklak. Gustong gusto ko din ang design ng bouquet na 'to dahil kakaiba.

"Happy birthday Adi..." Bulong niya.

Matapos namin mag usap ay dumiretso na kaming lahat sa dining table. Ngayon nalang ulit naging masaya ang bahay namin ni Allen dahil nandito ang mga importanteng tao sa tabi ko.

Nagsimula na kaming kumain. Masaya ang takbo ng pag-uusap namin dahil kasama namin si mang Rio. Marami siyang ikwinento tungkol sa mga anak niyang makukulit. Hanggang sa mapunta ang usapan sa amin ni Allen.

"Eh ikaw bakit ka bumili ng bahay sa Condominium ng mga Ravino? siguro kabet mo ang babaeng Ravino no?"

Singhal ni Faith. Tinapik ko ang braso niya para manahimik. Ngunit hindi siya natinag.

"Totoo ba Allen?"

"I don't have a mistress."

"Weh sure ka?"

Allen nodded.

"Ang hirap kasi paniwalaan."

Dahil sa iritasyon ng dalawa ay nilagyan ko ng Juice ang baso ni Faith.

"Uminom ka muna."

"Mabuti nalang mabait ang asawa mo Allen. At sana naman bigyan mo siya ng isa pang pagkakataon."

Umubo si papa dahil nagiging mainit na ang usapan. Pabagsak na binitawan naman ni Allen ang hawak niyang kutsara't tinidor.

Ang buong akala ko ay sisinghalan niya si Faith ngunit tumayo lang siya at naglakad palabas ng bahay.

"Allen!" Tawag ko. Akmang susundan ko na sana siya ng pigilan ako ni papa.

"I'll talk to him, kumain na kayo."

Hindi na ako nakaangal kay papa dahil kaagad na rin siyang lumabas ng bahay para sundan si Allen.

"Ang bunganga mo kasi Faith."

"Tita naman, si Adi na ang kawawa dito."

Naiintindihan ko si Faith. Alam kong naaawa na siya sakin dahil sa mga pinag-gagagawa ng pinsan niya.

"Mama..."

"A-anak..."

"Ito na po ang huling beses na pagtitiis ko kay Allen."

"What do you mean?"

"Kapag hindi na talaga nag work ang marriage namin, mag fa-file na po ako ng annulment."

Mabanggit ko lang ang salitang annulment ay sobrang tinutusok ang puso ko. Kahit na hindi ko kaya gagawin ko. Babang baba na ako sa sarili ko dahil tanging ako nalang ang lumalabas sa relasyon namin ni Allen. Mahal na mahal ko si Allen kaya nakakayanan kong tiisin lahat ng masasakit na salitang binibitawan niya, ang kinahihiya niya ako sa ibang tao at ang hindi pag uwi sa akin. Pero ngayon kong wala na talaga, wag ng pilitin.

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon