Kabanata 10

1.8K 42 1
                                    

Hindi ko alam kong paano ba ako gagalaw. Kinakabahan ako sa bawat paghinga ko. Walang imik kaming nakahiga ngayon sa malaking kama namin. Dati ay ako lang palagi yong nakahiga dito, pero ngayon kasama ko na muli si Allen.

Nakatalikod kami sa isat-isa kaya hindi ko malaman kong tulog na ba siya. Miss na miss ko siya kaya umikot ako ng dahan dahan at dumikit ng higa sa kaniya. I hugged him. Siguro ay hindi naman niya malalaman na niyayakap ko siya ngayon dahil tulog naman na siya.

Hinawi ko ang mabango niyang buhok. "I miss your scent..." Bulong ko.

Umayos ako ng higa at dahan dahan na hinawakan ang kwintas na binigay niya. Yong lumang kwintas na binigay niya dati ay itatapon na sana niya kanina ngunit pinigilan ko siya. Ang sabi ko gusto kong itago ang kwintas na 'yon dahil importante 'yon sakin.

"About sa annulment, itutuloy ko na sana pero bakit bigla ka naging mabait sa'kin? alam mo kahit na ang sakit sakit na okay lang dahil mahal kita. Ikaw ang buhay ko kaya hindi kita kayang iwan."

Sinabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin dahil alam kong hindi naman niya ako naririnig. Ngunit ganon nalang ang gulat ko ng umikot siya sa direksyon ko na mulat na mulat ang mga mata!

Gising siya?

"Are you mad at me?" He ask.

I shook. "Hindi..."

"Sa lahat ng ginawa ko sayo, hindi ka galit?"

I shook again. "Hindi..."

Hindi ako makalingon sa kaniya dahil ang lapit ng mukha niya. Kapag lumingon ako ay siguradong maglalapat ang mga labi namin.

"Ahm Allen about 'don sa sinabi ni Bevei....totoo ba 'yon?"

"Sinabi na pala niya sayo."

I nodded. Naghintay ako ng sagot niya pero hindi siya nagsalita. Ginugulo niya ba ang utak ko? para siyang climate change. Hindi ko siya maintindihan.

"Yes, but I don't know how to start."

Bumangon ako ng higa tsaka siya hinarap.

"Allen kahit saan pwede kang mag simula."

"Are you sure?"

"Yes..."

Nagulat ako ng higitin niya ako papalapit sa kaniya kaya napasubsob ako sa leeg niya. Amoy na amoy ko ang natural niyang bango.

"Nag momodel kaba?"

Umayos ako ng pagkakahiga sa dibdib niya. Gagawin ko na lahat ng gusto ko ngayon dahil baka bukas mag iba nanaman ang simoy ng hangin.

"Hindi..."

"About sa event—"

"Ah hindi kasi dumating yong isang model nila Tuval kaya ako nalang 'yong pinasok ni Ellen. Tsaka wag kang mag alala wala akong hilig sa pag momodelo."

"Good to know."

Muli kaming natahimik. Hindi ko nanaman alam kong anong sasabihin ko. Ayoko naman i open yong topic about sa pagiging separated namin dahil ayoko ng maalala pa ang bagay na 'yon.

Dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko ay sinabi ko na ang gusto kong sabihin.

"Allen okay naba tayo? hindi kasi kita maintindihan. Tinataboy mo ako, tapos isang araw magugulat nalang ako na nagpapakita ka nanaman ng motibo kaya umaasa ako."

Hindi siya muling nag salita.

"Okay lang kahit hindi mo sagutin."

"Yes..."

Yes? Ibig sabihin ba okay na kami? like uuwi na siya sakin araw araw? hindi na niya ako ikakahiya? pero mayroon sa luob luob ko na natatakot na baka bumalik sa dati ang lahat kapag may nagawa nanaman akong kasalanan.

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon