Chapter 12 (4/15/15)

740K 20K 7.9K
                                    

Chapter 12

 

[Timi's POV]

 

"Kailangan natin magpatawag ng presscon! Magpa-interview sa The Buzz, Startalk, A&A at...at pati sa GGV!! Kailangan nating i-klaro na wala kaming relasyon ng yelong yun!!" nanggagalaiti kong sabi doon sa manager ng EndMira na si Rochelle.

            Paano kasi, pag sikat pa lang ng araw, sinugod ko na agad ang office nila dahil sa issue na ito. Hindi naman ako makakapayag na hindi malinis ang pangalan ko! Eh mismong mga magulang ko naniniwala sa kumakalat na balitang 'yun!

            "Roch, sama mo na rin sa guesting nila ang It's Showtime!" natatawa-tawa namang sabi ni William habang amuse na amuse akong pinapanuod.

            Bwiset na kaibigan 'to! Napaka-matulungin!

            "Let's wait for Ice's opinion," kalmadong sabi naman ni Rochelle. "Parating na raw siya."

            Huminga ako ng malalim out of frustration.

            Nakakainis kasi! Ba't ang kalmado lang nung manager nila?! Tas itong si William, parang joke-joke lang sa kanya itong nangyayari!!

            Palibhasa wala sila sa sitwasyon ko! Ako na inosenteng mamamayan lamang na nagbabayad ng buwis eh madadamay sa ganitong issue?!

            Hindi makatarungan!

            Biglang bumukas ang pinto at pare-pareho kaming napalingon doon.

            It's Ice.

            Naka checkered polo siya na red, pants na black at naka shades. Pero yung aura niya superstar na superstar. Yung way ng pagpasok niya sa opisina eh akala mo isa siyang ramp model.

            Tokwang yelong 'to!

            Tumayo ako, "buti naman nandito ka na!" taas kilay kong sabi sa kanya.

            He gave me a small smile, "good morning Ms. Stephanie. Why are you here in our office?"

            "Wag mo akong ma Ms. Stephanie, Ms. Stephanie ha!"

            Nag kibit-balikat siya, "should I call you Timi?"

            WOW. NAKAKAINIS SIYA.

            I heard William snorted. I glared at him at ibinalik ko ang tingin ko kay Ice.

            "Nakita mo ba ang mga naka-post sa social media sites ha?!"

            Mula sa akin ay takang-taka niyang tinignan si Rochelle.

            "Anong meron? Hindi naman ako nag o-online eh."

            "Ah Ice—" panimula ni Rochelle pero pinutol ko siya.

            "Naiissue tayong dalawa! May nag post nung video na naka-akbay ka sa akin sa mall! Pinagpe-pyestahan na tayo ng mga tao."

            Ice stared at me. Expressionless ang mukha niya.

            ANAK NAMAN NG-!!! ARGHH!!

            "Oh ano naman? Naka-akbay lang naman ako. Hindi naman tayo nakahubad sa video. Hayaan mo na 'yan," sabi niya sabay baling ng atensyon kay William.

Game Over (EndMira: Ice -- book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon