CHAPTER 7

5.5K 357 38
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 7

Make Friends
---------------------------
--------------------------------------


NARITO pa rin ako sa loob ng greenhouse kasama ang mga Akiyama at ang mga japanese friends nito. Pinalilibutan parin ako ng mga kalalakihan at gayon din ang ibang mga bata na nakikisali na rin na tingnan ako.

Bukod sa naiilang ako sa mga paraan ng tingin nila sa akin ay naiirita ako dahil masyadong tutok ang mata nila sa akin. Hindi ko naman kasalanan kung ganito ako kaganda at ka-cute---biro lang. Pero sa totoo lang ay talagang naiilang na ako, wala ba silang balak na huwag na lamang akong pansinin?

Tinataboy na ng tatlong kambal ang ibang kalalakihan na dinudumog na ako. Nagulat na lamang ako ay mas lalo silang dumami dahil yung mga nasa kabilang garden na tinambayan namin kanina ay nagsipunta na rin ang iba sakanila dito sa greenhouse.

"Aww, what a cute little Akiyama princess. If I were only 25 years younger than you, I would marry you." wika ng isang lalaking kulay itim ang maalon nitong buhok, na may pagkasingkit ang kaniyang mga mata na may pagka-kayumanggi ang kulay.

"Shut up! Desmond! Stay away from my princess!" pagtataboy ni Twilight sa lalaking kulay itim ang maalon nitong buhok.

Tinawanan lamang si Twilight ng ibang kalalakihan at may isa pang lalaking lumapit sa amin na may kasamang batang lalaki.

"Oh hello! Little one. This is my son, Vann.Hope you get along to each other." anang sabi ng lalaking nakasalamin at hindi maitatago na may angkin din siyang kakisigan. Teka ito yung naka-all black outfit ah? kani-kanina lamang ay nakashades siya, ngayon ay naka-eyeglass na. Pero bakit hindi bagay sakaniya ang naka-eyeglass with all black outfit? May sayad talaga to kahit aminin ko man na ang gwapo parin niya kahit baduy ang taste niya sa fashion style.

Napatingin ako sa batang inilapit sa amin ng nangangalang Zen. Bagsak ang buhok nito kaya meron siyang napaka-cute na bangs na nagpatalo sa bangs ni Dora. Base sa laki niya ay mukhang kaedaran lamang nito si Kei.

Bigla ko tuloy na miss si Kei langya.

Napatitig ako sa mata ng batang nangangalang Vann. Blangko ito at mahahalata mong nababagot na siya. Kakaiba din ang presensya ng batang ito, hindi ko masabi dahil iba ang pakiramdam ko sakaniya lalo na't deretso siyang nakatingin sa akin na blangko ang ekspresyon ngunit matalim ang tingin.

Luh? Ano bang ginawa ko sakaniya?

Nagulat ako nang biglang mag iba ang ekspresyon niya na ngayo'y nakangiti na ito sa akin.

Ang weird naman ng batang ito.

Iniwas ko na lamang ang tingin sakaniya at nilibot na lamang ang aking paningin sa iba pang kalalakihan.

Amp...bakit pinaliligiran ako ng mga nagaguwapuhang nilalang? May iba ring kalalakihan rin dito na ordinaryo ang hitsura ngunit disente parin tingnan kaya hindi mo masasabi kung  guwapo o pangit sila, pero masasabi kong guwapo din naman sila kahit mukha naman silang normal na tao---kahit tao naman talaga sila.

"You too, Zen. Don't try to bring your son closer to my daughter " may banta sa tono ng boses ni Midnight at matalim itong nakatingin sa lalaking nakasalamin na may guhit sa sulok ng gilid ng kaniyang labi.

"Chill my friend, how many years have we been friends, why don't you want them to be close to each other? They can be brother and little sister don't you think?" mahiwagang ngiting ani lalaking naka-eyeglass.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 2) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon