13

77.2K 2.2K 316
                                    

PENELOPE



    BINILI NGA ako ng pills ni Wyatt at ininom ko iyon kagaya ng gusto niya, pero dahil doon ay dumistansiya ako sa kanya. Hindi kona siya gaanong kinakausap at nilalapitan, wala eh nasaktan ako.

Nakatatak na sa isip kona plain sex lang ang nangyari, no feeling attached.

"Tita, masarap po ba?" Nakangiting tanong ko sa kanya

Nasa kusina kami ni Tita Hazel at Crizel, nag-bake ako ng cupcake. Tinuruan ako dati ni Mommy at ngayon ko lang nagamit ang mga tinuro niya.

"Ang sarap.." Nakangiting sagot nito. "Oh my gosh, you attract my taste."

"Masarap nga." Sabi naman ni Crizel. "Mas masarap pa'to sa mga inuuwi ni Tita Hazel eh."

"Recipe ni Mommy yan, ngayon ko lang nagamit." Kwento ko. "Masaya akong nagustuhan nyo."

"What's going on here?" Tanong ng kapapasok lang na si Kuya Wyandro.

Sinita ako ni Kuya Wyandro, mas matanda daw siya kaya dapat i-Kuya ko siya na agad ko namang sinunod. Nakakatakot kaya siya.

"Kuya, nagluto ako ng cupcake." Inabot ko sa kanya ang isa. "Tikman mo."

Kinuha naman niya iyon at kinain. "Not bad.."

"Huy, penge." Si Wyandel at agad kumuha. "Sarap ah, sino nagluto?"

"Si Penelope." Sagot ni Tita Hazel. "You want to open a cafe? I will help you."

"Hindi po Tita, gusto ko po sariling sikap ko." Sabi ko. "Malaking tulong na po itong pagpapatuloy at pagpapakain nyo sakin kaya okay na po ako dito."

"You're a good person iha." Hinaplos nito ang buhok ko. "Maganda at tama ang pagpapalaki sayo ng mga magulang mo. I'm sure they are proud of you."

"Sana nga po.."

Natigil kami ng dumating si Tito Wayne kasunod si Wyaxino at Wyatt. Napaiwas ako ng tingin ng tumingin sa gawi ko si Wyatt.

"Mukang may bonding kayo." Nakangiting sabi ni Tito Wayne.

Nilapitan nito si Tita at hinalikan sa labi. Para silang sila Mommy at Daddy.

"Penelope, baked cupcake for us." Imporma ni Tita Hazel. "Try it, I'm sure magugustuhan nyo."

Kumuha naman sila Tito Wayne at kagaya nila Tita ay pinuri din nila ako, maliban kay Wyatt.

"It's taste like Persephone's cupcake." Bulalas nito na ikinawala ng ngiti ko. "Mom, it's taste like Persephone's cupcake!"

Persephone..

Pasimple akong huminga ng malalim para pigilan ang mga luha kong nagbabadyang tumulo.

"Pwede ba, wag mong ikumpara ang gawa ni Penelope sa kung sino." Sita sa kanya ni Crizel.

"Hindi kung sino lang si Persephone." Madiing sabi ni Wyatt at sinamaan ito ng tingin. "Persephone is my fiance, so shut up bitch!"

"Wyatt!" Sita sa kanya ni Tita at Tito.

"Stop being mean Wyatt." Seryosong sabi naman ni Kuya Wyandro.

"O-Okay lang.." Pilit akong ngumiti. "Ah, p-plano ko pa lang tumingin ng mga bulaklak. Sige po, labas muna ako."

Hindi kona sila hinintay sumagot dahil agad akong lumabas at nagtungo sa parte ng hardin na medyo tago at walang gaanong bodyguard.

Ang kaninang luhang kanina kopa pinipigilan ay tuluyan ng kumawala.

"Persephone...Ang ganda ng name mo, siguro napakaganda mo din.."

"You're right she's beautiful, like her name."

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko ng may magsalita sa likuran ko. Hinarap ko ito at pilit na ngumiti.

"Wyandel, anong ginagawa mo dito?" Pilit ang ngiting tanong ko.

"Stop showing your fake smile, I hate it." Seryosong sabi nito. Bigla na lang akong napahagulgol. "You're inlove with my brother."

"Pinigilan ko naman eh.." Hagulgol ko. "Hindi ko alam pero iba ang epekto sakin ng kapatid mo eh. Wyandel, alam mo ba? Ayokong nagmamahal eh, kasi tuwing ginagawa ko yun, nasasaktan ako ng sobra.. I hate pain so much."

"Hurt is part of love." Nilapitan ako nito at niyakap. "Stop crying Penelope. It's hurt when I saw my sister crying.."

"Thank you Wyandel, lagi mong pinagagaan ang loob ko." Humiwalay ako sa kanya at pinunasan ang mga luha ko.

"I hat–" He didn't finish his words when someone punched him.

Nanlaki na lang ang mga mata ko ng tumilapon si Wyandell sa damuhan.

"I already warned you Wyandel." Malamig na sabi ni Wyatt. "I said don't come near her!"

"Why do you care?" Tumayo si Wyandel at pinunasan ang gilid ng labi niya na may dugo. "Penelope is just like my sister, lalapitan ko siya may permiso mo man o wala."

"Really?" Malamig itong ngumiti at mabilis na tinutukan ng baril si Wyandel. "I can kill you without hesitation Wyandel, you know that."

"Wyatt, tama na." Nilapitan ko si Wyandel. "Nag-uusap lang naman k–"

"–SHUT THE FVCK UP YOU FVCKING WHORE!" Galit na sigaw nito. "HINDI KAPA BA NAKUNTENTO SAKIN!? WE FVCKED MANY TIMES AND NOW YOU'RE TARGETING MY BROTHER!"

"KUYA!"

Daig kopa ang sinampal sa sinabi niya. "Alam mo, tangina mo! Ang bait mo lang kapag kailangan mo ang katawan ko!"

"Ofcourse, what else do you think?" He smirked. "Akin ka Penelope, simula nung bumukaka ka sakin."

"Hindi ako sayo Wyatt, ikaw na ang nagsabi kailangan mo lang ng mapaglalabasan ng init mo." Nginitian ko siya ng mapait. "Hindi mona kailangan ang katawan ko ngayon Wyatt, maghanap kana ng iba."

"How about I shoot you? You want that Honey?"

"Kuya Wyatt, tumigil kana." Tinago ako ni Wyandel sa likuran niya. "Wag mong idamay si Penelope sa galit mo!"

"Damay na siya simula pa lang!" Bumalik ang galit nito. "It's her fault why I can't give justice to Persephone and my child!"

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.

"I'm fvcking using you as my revenge Penelope.."

Mafia Obsession: Wyatt Campbell [SELF PUBLISHED UNDER IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon