Kabanata 6

207K 6.3K 1.8K
                                    

Pagkatapos naming dumaan ng hospital ay dumiretso na kami sa bahay niya. Huli ko ng napansin na may mga kasama pala siya, dalawang kotse na itim ang nakasunod sa amin. siguro ay mga bodyguards niya?.

Wala naman siyang naging reaksyon nang sinabi ng doktor na 1 month na akong buntis, bumili siya ng mga vitamins para saken at pinagamot ang sugat ko sa tuhod, bukod dun wala na siyang ibang sinabi at tahimik kami buong byahe patungo sa bahay niya.

Huminto kami sa tapat ng mataas at kulay itim na gate, automatic itong bumukas kaya naman namangha ako. Napaawang ang bibig ko ng makapasok na kami at bumungad sa akin ang napakalaking bahay.

Nakatira siya sa Mansyon??

"Y-Yan ang bahay mo?" Baling ko sa kanya habang tinuturo ang mansyon sa labas

He just nodded without looking at me. Pagkahinto ng kotse ay agad siyang lumabas kaya lumabas narin agad ako. Hindi man lang niya ako hinintay, dirediretso ang lakad niya. Tatakbo na sana ako patungo sa kanya ng mapansin kong may mga lalaking naka itim na nakatayo sa paligid, ang iba ay naglalakad at may hawak na walkie-talkie. Lahat din sila ay may mga hawak na baril.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba

Ano kayang trabaho niya?

Binilisan ko ang lakad ko ng mapansin na nakatitig sila sa akin, may nakita pa akong naglalakad papalapit sa akin habang may hawak na baril.

What if bigla akong barilin nito?

Tuluyan na akong tumakbo dahil sa nerbyos. Napahinto ako ng mabunggo sa kung anong matigas na bagay sa harap ko. Narinig ko itong mahinang nag mura.

"What are you doing?" Inis na wika nito ng tuluyan niya akong hinarap

Magsasalita na sana ako ng biglang lumapit ang lalake kanina. Lumapit ako kay Thaigo at wala sa sariling napahawak sa braso niya. Ang weird kasi makatitig saken tas may hawak pang baril.

Napatingin naman si Thaigo dahil sa paghawak ko sa kanya, nagtago ako lang ako sa gilid niya na parang bata.

"Nice to meet you Mrs. Villamor" nakangisi nitong sabi habang nakatitig sa akin

Mrs. Villamor??

Thaigo knitted his brow to man in front of us. Ngayun ko lang napansin na asul pala ang kulay ng mata niya.

"Shut the fuck up, Dion" tugon ni Thaigo at aalis na sana ng mapansin na nakahawak parin ako sa kanya

Agad akong napabitaw sa braso niya at dumistansya sa kanya. Binalingan niya naman ni Dion.

"Tour her inside" wika ni Thaigo at nauna ng maglakad papasok sa Mansyon

Tiningnan ko si Dion sa harap ko at nakangiti na ito ngayun. Medyo nawala ang kaba ko kasi mukha naman pala siyang mabait.

"Tara na sa loob Mrs. Villamor" hahakbang na sana siya ng magsalita

"Ba't mo ako tinatawag na Mrs. Villamor?" Kunot noo kung tanong

"You're Thaigo's wife right?"

Agad naman akong umiling

Villamor pala ang apelyido ni Thaigo?

"Dinala niya lang naman ako dito kasi... nabuntis niya ako"

He chuckle "I know. I was with him when you went to the bar"

Siya pala yung lalakeng katabi nun ni Thaigo!

"Alam mo naman pala eh. Huwag mo nga akong tawagin sa apelyido niya. Hindi naman kami mag asawa at hinding hindi kami ikakasal"

Bigla naman siyang tumawa " Really? Buntis ka at panigurado na sa simbahan ang diretso niyo, so let me call you Mrs. Villamor kasi ikakasal parin naman kayo"

Halos mapairap ako sa sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko at nauna ng naglakad sa kanya.

Napanganga ako ng makita ko ang loob ng mansyon, napaangat ako ng tingin sa naglalakihang chandeliers. Ang engrande ding tingnan ang mahaba nilang hagdanan na kulay gold ang hawakan. Kung titingnan ko ang paligid ay parang nagnining ning ito dahil sa dami ng ilaw na nag rereflect sa chandeliers at sa paligid. Napaka moderno ng desinyo. Ang laki laki din ng sala nila.

Maski sa loob ng mansyon ay may mga nagkalat na mga tauhan. Marami din silang kasambahay na abala sa paglilinis na agad namang napahinto ng pumasok kami.

"Magandang araw po" yumuko sila bilang pagpapakikita ng galang sa akin. Nanibago naman ako kaya yumuko din ako at babatiin sana sila ng pigilan ako ni Dion.

"You don't need to do that" bulong niya saken "Let's go" at nauna ng maglakad. Agad naman akong sumunod at nginitian nalang ang mga kasambahay.

Halos mahilo ako sa sobrang laki ng mansyon. Inikot kasi namin lahat ng parte ng bahay at lalo lamang akong namangha sa lawak nito. May swimming pool sa labas, may gym, may spa and jacuzzi, may mini bar, library, may elevator at marami pang iba. Grabe talaga, ngayun lang ako nakapasok sa gantong klase ng bahay at hindi ako makapaniwala ng dito na ako titira!

"And finally, your room" wika ni Dion ng huminto kami sa tapat ng isang pinto " and that's thaigo's room" sabay turo niya sa katapat na pinto ng kwart o ko. Tumango naman ako

"Salamat"

"You're welcome" magalang niyang sabi at aalis na sana siya ng magsalita ako

"Uh, Dion. Ano bang... trabaho ni Thaigo?"

"You didn't know?" Umiling naman ako

"You know what's a mafia right?"

Mafia? Napapanood ko iyon sa mga drama eh

I reluctantly nodded and he continue "He's a mafia boss"

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya

"S-Seryoso ba?? Totoo pala ang mga mafia??"

Narinig ko siyang tumawa " Yep"

"So, Mafia karin?"

Humalukipkip naman siya bago tumango " I'm his right hand and also a friend"

A friend?

Hindi ko naman iyon pinansin at nagpaalam nalang sa kanya "ah okay. S-Sige pasok na ako sa loob" pilit akong ngumiti tsaka binuksan ang kwarto ko ng bigla siyang magsalita

"By the way, do you have a boyfriend?"

My brow furrowed to his question. Hindi kaya inutusan siya ni Thaigo na tanungin ako? Alam ko kasing nagdududa parin yun sa pagbubuntis ko eh.

"Wala since birth" diretsahan kong sabi kasi yun naman ang totoo at para hindi na sila mag duda.

He just nodded before walking away

Hindi na ako nagulat ng makita ang malawak na kwarto at malaking kama sa gitna.

This is surreal

Umupo ako sa gilid ng malambot ng kama at napaisip sa sinabi ni Dion.

Thaigo is a mafia so that means illegal ang mga gawain nila at nandito ako ngayun kasama nila?!

Mukhang mali ata ang naging desisyon ko na sumama dito ah. Paano kung kaya niya pala ako dinala dito kasi balak niya pala akong patayin??

Magagawa niya ba yun?

Napailing ako sa mga naisip. Hindi naman siguro kayang gawin iyon ni Thaigo, hindi ba? Anak niya tong dinadala ko kaya hindi niya naman siguro ako sasaktan.

Napahiga nalang ako sa aking kama habang nakatulala sa kisame.

Jusko, ano ba itong pinasok ko!

___

Tysm for reading. Please don't forget to vote!

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon