Kabanata 45

88.9K 4.1K 5.4K
                                    

Kabanata 45

The games started and most of the time they had to compete for a prize of ribbons and certificates. Ang mag-ama ko ay masyado rin ginagalingan. Leven even bruised his legs because of running too fast. Ito ang unang talo nila sa mga laro na sinalihan nila. Etienne jogged towards us in the bleachers, naka-squat ako sa harap ni Leven ngayon habang nilalagyan ng betadine ang kan'yang sugat.

"You okay?" nagaalalang tanong ni Etienne sa anak n'ya na kanina pa nakatingala.

"Matapang ako, papa. Papa, matapang ako." Leven chanted while wincing because the cottons were touching his bruised knee.

Hinipan ko ito upang kahit papaano ay may maramdaman siyang ginhawa. I saw his shoulders move as if he got tickled.

"Kita m-mo, papa? Hindi ako umiiyak. Big boy na ako." Leven boasted.

Ngumiti naman si Etienne. "Ang galing mo naman, Leven."

"Kapag daw big boy na dapat may small sister na." Leven said, as if it's a script.

I coughed. Pakiramdam ko ay nasamid ako dahil sa naging pahayag n'ya. My cheeks flushed as I looked at Leven.

"Sino naman ang nagsabi sa 'yo n'yan?"

"Si papa," Leven innocently said.

Sa pagkakataon na ito, si Etienne naman ang tumikhim at umiwas ng tingin. Pinanlisikan ko siya ng mata.

Kaya naman pala ang daming alam ng anak ko, marami rin kasing alam ang nagtuturo sa kan'ya. I wanted to scold Etienne but maybe it's his way of trying to win me over. Pero bahala siya riyan. Mukha ba akong nadadaan sa pa-cute?

Bago ko man siya mapagsabihan ay may lumapit sa aming teacher at nginitian kami. "Hello po, sasali po ba kayo para sa last game?"

I veered my sight to Etienne who only shrugged at me. Sa akin pa yata ibibigay ang choice kung sasali pa kami o hindi. Leven is bruised right now, baka hindi na rin siguro.

I was about to decline it when Leven giggled.

"Yes po!" sagot ni Leven.

"Leven," I scolded in a soft tone. "Pagod na rin yata ang papa mo."

Ngumuso naman siya. "This is the first time that papa will play. Hindi naman siguro masama kung mapagod siya minsan, mama. . ."

I was out of words. Even a breath can't escape from my mouth. Si Etienne ay nanatiling nakatitig sa anak naming dalawa. Leven lowered down his head and started fidgeting his fingers.

Hindi ko inakala na ganito na pala kalala ang nararamdaman ni Leven sa ama n'ya. He might not say it aloud and he doesn't even express it, may halong pagtatampo siguro ang nararamdaman ni Leven sa mga taon na wala ang ama n'ya sa kan'yang tabi.

I can't help but blame myself because of the betrayal that he feels. Ako naman ang nag-desisyon na huwag sabihin kay Etienne dahil takot ako sa maaaring maramdaman n'ya kapag nalaman n'yang may anak kami. My decision didn't only affect me but also my son who actually needed a father figure. Nagampanan ko man ang dalawang role na 'yon sa buhay n'ya, the society makes him feel that he is incomplete without a father.

Napalunok naman ako. "Ah yeah, sasali na kami. . ."

"Sorry, Leven." Etienne said. His voice came off as weak. Halata na hindi rin alam kung ano ang dapat sabihin para mapawi ang nararamdaman ng anak.

"Yey! Talunin n'yo 'yong nanay at tatay ni Timo ah! Inaaway ako n'on e." Ngumuso si Leven. Napapikit pa dahil nagalaw n'ya ang nasugatang tuhod.

I nodded at my son and stood to go towards the quadrangle. Hindi pa ako kasing pagod nila dahil hindi rin naman ako masyadong sumali sa mga palaro. Habang binabagtas namin ni Etienne ang lugar kung nasaan ang mismong event, he leaned in to whisper.

Bits of Chemistry | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon