Kabanata 22

19.7K 1K 326
                                    

Kabanata 22

Family

Kitang kita kung paanong hindi kumurap ang mga mata nung Zadriel habang nakatitig kay Nero. Ang totoo, halos lahat sa kanila ay salubong ang mga kilay habang pinagmamasdan siya. Pwera lang doon kay Tatiana na panay ang pagkurap ng mga mata at iniipit pa ang buhok sa gilid ng kaniyang tainga. Nakangiwi ang labi.

Ayos lang ba siya?

“Ano’ng ibig mo po sabihin, Mommy? He’s a-alive? Paanong nangyari? We’re always visiting him in the cemetery! If he’s alive, who are we visiting there then?!” histerikal na tanong nung babaeng matangkad.

Kamukha rin siya ni Nero at nitong si Zadriel. Mukhang masungit at istrikta. Iyong tipo ng babae na hindi mo puwede biruin dahil mapapahiya ka lang. Kung tama ako ng pagkakatanda, isa rin siya sa mga litratong nasa kwarto ni Nero.

“Calm down, Ania. We will explain everything to all of you.”

“It’s nice to see you again, Reon. I’m happy that you decided to finally show yourself.” sabi nung magandang babae na may kulot na buhok.

“You knew, Ma?”

Sinundan ko ng tingin ang nagtanong no’n. Iyong lalaking nasa gilid ni Zadriel at katabi nung babaeng morena ang nakita ko.

Ang gwapo niya. Sobrang gwapo.

May hawig rin siya kay Nero pero mas madilim ang awra ng mukha ni Nero. Itong lalaki ay mukhang seryoso rin naman ngunit halatang may taglay na kalokohan. Si Zadriel kasi ay gwapo pero pansin na pansin ang pagiging pilyo. Hindi maipagkakaila.

“I’m sorry we had to hide this to all of you, Dashiel. We believe that it’s for your own safety.” sabi nung babaeng kulot.

Ah, Dashiel pala ang pangalan niya. Nang magbaba ako ng tingin ay nakita kong hawak niya sa kamay ang babaeng morena.

Mag-boyfriend ba sila? O, mag-asawa na?

Nang iangat ko ulit ang mga mata ay naabutan ko ang babae na tipid na ngumiti sa akin.

Lalo siyang gumanda. Para bang walang masamang tinapay para sa kaniya. Kabaliktaran nung Ania na parang sasakmalin ako ano mang oras.

“All these time we were being fooled...”

Itinuon ko ang atensyon kay Zadriel. Medyo namumula ang mga mata niya, halata ang luha na sumisilip doon.

“You were fooled for good intentions. If I were to asked, I won’t go here and show myself to you anymore. You all are fine even without me-”

“Asshole. You don’t know how many times I imagined that you’re still alive. Ang hirap maging kuya sa kapatid nating babae.” putol ni Zadriel at tumungo, umiiling.

“Damn you, monkey. Sabay lang tayong ipinanganak kaya magkasingtanda lang tayo!” mataray na sagot nung Ania. Natawa iyong lalaking nakahawak sa bewang niya.

Gwapo rin. Lahat ba talaga sila pinagpala pagdating sa itsura? Kung sa bagay. Kung titingnan ang mga magulang nila, hindi na nakakapagtaka.

Kaya lang ay naiiba ang mukha niya sa mga Monasterio. Hindi kaya asawa ito nung Ania?

“You won’t have to endure the hardship alone from now on then.” natawa si Nero.

Muling nag-angat ng tingin si Zadriel. Kaunti na lang ay babagsak na ang luha sa mga mata niya. Bago pa man nangyari ‘yon ay sinugod niya na ng yakap si Nero. Kinailangan ko bumitaw dahil yumakap pabalik si Nero sa kaniya at tinapik ang likod nito.

“I have a lot of questions in my head right now but fuck it. I’m happy that you are alive, Kuya.”

Tumungo ako, ngumuso nang maramdaman ang kirot sa puso ko lalo na nang tawagin niya si Nero sa gano’ng paraan. Masiyadong malalim ang eksena na ito. Hindi ko akalain na nangyayari pala sa totoong buhay. At hindi ko alam na ganito pala talaga kasakit ang mawalay sa isang pamilya at muling magkikita pagkatapos ng mahabang panahon.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon