Kabanata 17

1.6K 40 0
                                    

"Wow yummy!"

Namangha ako dahil sa reaksyon ni Bevei. Kakatapos lang namin mag baked ng cookies at nakaupo na siya ngayon sa mahabang lamesa habang ako naman ay nililinis ang mga kalat namin sa kusina.

Wala ngayon dito si mama dahil nag grocery daw. Tanging kaming tatlo lang nila Faith ang nandito ngayon. Bumaba si Faith ng hagdan bitbit ang laptop niya.

"Ang bango naman ano yan?"

"We b-baked c-cookies po ate..."

"Wow pahingi ako bevei ha."

"S-sure p-po..."

Nang matapos ako sa ginagawa ay umupo na ako sa tabi ni Bevei. Nakasuot pa siya ng apron kaya dahan dahan kong hinubad pati ang hairnet na nasa ulo niya.

"You like it?"

"Yes! Yes!"

"Anong ginagawa mo?" Baling ko kay Faith.

"Gumagawa ng resume."

"Mag tatrabaho ka? saan?"

Her eyes wided. "Cruiship."

"Baliw bakit? eh kong sa kompanya nalang ni Allen ka mag trabaho o di kaya sa kompanya ni papa."

"Ayoko, gusto ko ng bagong trabaho."

"Bagong trabaho? cruiship ang gusto mo dahil sa barko nag tatrabaho si James? teka akala ko ba may hinahawakan siyang kumpanya?"

"Pagmamay ari 'yon ng tito niya, hay sana matanggap ako."

Ewan ko talaga sa babaeng 'to kong anong trip sa buhay, marami kasing pera eh. Nang mag alas tres ng hapon ay nag paalam ako kina Bevei at faith na aalis na. Pupuntahan ko si Ellen sa bahay nila. Gusto kong mag sorry sa mga ginawa ko kagabe. At lalong lalo na sa pagsampal ko sa kaniya.

"Manong dito lang po."

Huminto ang taxi sa harap ng bahay nila Ellen. Bumaba na ako at kaagad na pinindot ang door bell. Tatlong beses ko pang ginawa 'yon bago buksan ni tita ang gate.

"Magandang hapon po tita."

"Oh Adi ikaw pala 'yan, hinahanap mo ba si Ellen?"

I nodded. "Opo nandito po ba siya?"

"Nako kakaalis lang niya kaninang madaling araw."

"Saan po siya nagpunta?"

"Sa Japan."

What? Anong ginagawa niya sa japan?

"May nag offer kasi sa kaniya 'nong isang araw. Malaki ang sweldo at maraming opportunities na naghihintay sa kaniya sa Japan as a make up artist. Kaya ayon dahil sa gusto niya ang ginagawa niya ay hinayaan ko siyang umalis. Kagabe nga 'nong umuwi siya umiiyak si Ellen, alam mo ba kong anong nangyari sa kaniya?"

"H-hindi po, sige po aalis na ako."

"Mag meryenda ka muna hija."

"Wag na po, salamat ulit."

Mabilis akong tumakbo hanggang sa nanghina na ako. Sunod sunod na bumuhos ang mga luha ko dahil sa nalaman. Iniwan na ako ng kaibigan ko. Iniwan na ako ni Ellen.

Bakit hindi manlang siya nag paalam sa'kin? at bakit hindi niya sanabi na pupunta siyang Japan? hindi ba ako mahalaga sa kaniya kaya iniwan niya ako ngayon? akala ko ba mag kaibigan kami. Pero bakit ganito?

Tulala lang ako hanggang sa makauwi ako sa bahay. At mas lalong nalugmok ako ng hindi parin nakakauwi si Allen. Sobra akong nasasaktan ngayon. Hindi manlang ako nakahingi ng tawad kay Ellen bago siya umalis.

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon