Kabanata 18

1.7K 43 0
                                    

Nakatitig lang ako sa magandang babae na nasa harap ko. Hindi ko parin talaga makuha. Parang unti unting nag raramble ang mga tanong sa utak ko. Hindi ito ang Gilcy na nakilala ko. Hindi ito ang Gilcy na ipinakilala sa'kin ni Allen. At hindi ito ang Gilcy na nadatnan ko sa opisina ni Allen ng alas onse ng gabi.

"Kamusta naman ang bakasyon mo sa boracay?"

"Hindi lang masaya, sobrang saya! at alam mo ba Tuval may nakilala akong foreigner doon. Grabe sobrang gwapo niya!"

Kanina pa siya nag iingay. Hanggang sa may pumasok sa ala-ala ko na ikinalinaw ng isang tanong na kanina pa bumabagabag sa utak ko.

"Be my ambassador Adi, please I want you. Ikaw lang ang pasok sa standards ko Adi, bagong mukha mas better."

"Eh diba dapat ang mga sikat na model ang dapat mong kunin, so choose Gilcy."

Ngumiwi siya. "I don't like Gilcy masyado siyang maingay, at marami narin ang kumukuha sa kaniya."

Tama ang sinabi ni Emman. Teka naguguluhan talaga ako. Parang gusto kong ipukpok ang ulo ko sa matigas na pader para makakuha ako ng mga sagot sa tanong ko. This can't be.

"Ikaw ba talaga si Gilcy?" I asked.

She hold my hand and then she smiled. "Kagaya ng sinabi ko sayo kanina, the one and only."

"Adi hindi mo ba siya kilala? she's the most international model. Maraming mga nakakakilala sa kaniya."

"May kapatid ka bang lalake Adi?"

"H-ha?"

Nakita kong hinampas ni Tuval ng pamaypay si Gilcy na ngayon ay nakalayo na.

"Ayan kananaman Gilcy ha, sasapukin ko na talaga 'yang bunganga mo. By the way Adi try to search her para maniwala ka sa sinasabi ko."

Sinunod ko nga ang sinabi ni Tuval. Sinearch ko sa google si Gilcy. At nagulat ako ng biglang nag appear ang picture niya. Ang litrato ng Gilcy na nasa harapan ko ngayon.

Carmina Gabriel also known as Gilcy. An International filipina model handled by Tuval, the manager and famous designer in asia.

Name: Carmina Gabriel
Given Name: Gilcy
Age: 25
Height: 5'6
Workplace: El Liance Agency

Get to know more about Gilcy.

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa mga nabasang article tungkol kay Gilcy. Kong siya ang tunay na Gilcy, eh sino yong babaeng kasama ni Allen sa opisina nito?

May dapat ba akong malaman?

"Naniniwala kana ba?"

Gilcy suddenly ask. Malawak na a ng nginiti nito habang ngumunguya ng bubble gum.

"Sabay na tayong mag dinner, my treat!"

"Wow are you serious Gilcy? eh hindi mo nga ako nililibre kahit na kape lang dyan sa kanto tapos manlilibre ka ng dinner?" Sabat naman ni Veronica na kakapasok lang.

"Hoy Veron ang kapal ng mukha mo ha, yong mga pinapabili mo kasi sa'kin ang mamahal."

"Sa dami mong pera namamahalan ka sa three hundred pesos? kuripot ka lang talaga."

"Hoy nilalang mo lang ang three hundred pesos? alam mo bang pwede na akong makabili niyan ng maraming damit sa divisoria."

"Ew sikat na model pero divisoria girl."

Sobrang daldal nga talaga ng Gilcy na 'to. Habang ang Gilcy na pinakilala sa'kin ni Allen ay parang gold ang laway dahil hindi manlang nagsasalita.

Pinilit nila akong tatlo na sumama sa kanila para mag dinner. Wala naman na akong nagawa dahil nakakahiya naman tanggihan ang isang Gilcy, Veronica at Tuval.

Wife's DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon