19

101K 2.8K 1.7K
                                    

Bakit daw ang konti ko na mag ud at matagal? Wala kasi akong load at wala akong money, gumagawa lang ako ng paraan ngayon hehe..kaya be patient




PENELOPE

   

  "UMUWI KANA WYANDEL.."

Nandito si Wyandel, sumunod siya sa amin.

"Ayoko." Ngumuso ito. "Papatayin nila ako, kung nakita mo itsura ni Kuya para siyang si kamatayan."

"Kapag hindi ka naman umuwi, ikaw ang papatayin ko." Sino paba ang magsasalita? Kundi ang masungit at malditang Anak ko.

"Grabe ka naman, pasalamat ka sanay na ako sa ganyang ugali, kung hindi naku.."

"Anong gagawin mo kay Sungit?" Parang naghahamong sabi ni Andy.

Bakit ba ang susungit ng mga 'to?

"Wala." Umirap si Wyandel kay Andy bago humarap sakin. "Penelope, sige na patulog."

"Hindi ka pwede dito!" Hindi na ako makapagsalita dahil sa malditang 'to.

"Wag ka lang magsungit sakin, bibigyan kita ng kahit anong gusto mo."

Napaisip naman si Parsia. "Deal po."

Napangisi na lang si Wyandel bago guluhin ang buhok ng Anak kong maldita na magiging mukang pera pa yata.

Hinarap ko si Tatay. "Tay, okay lang poba na tabi tabi kayong tatlo?"

"Walang problema." Ngumiti si Tatay at hinarap si Wyandel. "Halika na Totoy."

Hindi kona sila pinansin, pumasok na kami ni Parsia sa kwarto namin at nahiga.

"Mame, may nakita akong batang lalaki kanina sa handaan, kamuka ko siya." Kwento nito. "At yung lalaki kaninang pogi, yun yung Tatay ko diba? Kamuka ko siya eh."

"Oo.." Wala na rin namang rason para magsinungaling ako sa kanya.

"Bakit siya nandito? Kukunin niya ba tayo?" Tanong nito

"Birthday ng Kuya mo, bago kapa maipanganak may una akong Anak."

"Birthday, ede yung may birthday kanina yung Kuya ko? Sinasabi kona nga ba at mayaman ako."

Natawa na lang ako. "Kung sakali bang kunin ka ng Ama mo, sasama ka?"

"Ayoko nga, kailangang maghirap muna siya." Kahit hindi ko nakikita alam kong umirap siya. "Ang kapal naman ng muka niya kung ganon? Kailangan maranasan niya muna ang lahat ng hirap natin."

"Ang daldal mo." Hinalikan ko siya sa noo at niyakap. "Tulog kana."

"Ikaw din Mame."

'Unti unti ng lumiliit ang mundo namin'

    NAGISING NA LANG AKO ng may naririnig akong sigawan sa labas at parang nagkakagulo.

Mafia Obsession: Wyatt Campbell [SELF PUBLISHED UNDER IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon