16th Ruled

36.6K 1.5K 815
                                    

Ruled

Is There More?

Umiling ako lalo na't ayoko na. I don't want to kiss him. First, he's not my type. Second, he'll just hide it expertly. Baka pag hinalikan ko siya hindi pa makatulog kakaisip sa akin edi hindi rin ako makakatulog 'di ba? Ganoon pa naman 'yon pag may taong iniisip ka tuwing gabi.

Humalukipkip ako sabay tingin sa labas ng bintana at natanaw na nakapasok na kami sa Forbes Park. Hindi na talaga ako lumingon pa pagkatapos. Mabuti rin na sinabihan niya ang taxi driver na mauna sa aming bahay para ako ang makababa.

Noong huminto ang taxi sa tapat ng malaki naming gate ay deritso na agad ang aking baba dala ang Mogu Mogu na may kalahati pang laman. Sinarado ko agad ang pinto at deritso ang lakad sa gate nang may maalala.

Muli akong humarap at mabuti nalang ay hindi pa nakakaalis. Muli kong binuksan ang pinto. Itinuro ko agad sa kandungan ni Hiro ang brown paperbag.

"That's mine," sabi ko.

Nahulog ang tingin niya roon at kinuha para ilahad sa akin. Irita ko iyong hinablot.

"I'll pay you," sabi ko bago sinarang muli ang pinto.

Gusto ko atang ibaon sa hukay ang alaalang iyon noong Agosto. Nagmumukha na rin akong ninja kakaiwas sa kanya sa school. Hindi naman sa apektado ako sa nangyari pero nakakairita dahil sa tuwing nakikita ko siya, sa tuwing nagbabanggaan ang aming mga mata ay bumabalik agad ang eksenang iyon. Para bang may lihim kaming ginagawa at kami lang ang nakakaalam.

Nakakaasar!

Akala ko sa susunod na mga buwan ay ganoon kaso biglang may nangyari.

What happened to Nana and South made a big impact to our family. Binalot ng pangamba ang aming parents at iniisip nila Dad na may gagawing iba ang mga boys.

"Kung pumuporma man, huwag munang i-entertain," si Daddy habang nasa hapag ang lahat.

Magd-drop ang kambal sa school. Magt-transfer agad sila sa iba. Kami ni Irah ang mananatili. Gusto sana ni Dad na lumipat ako kaso ang hassle naman. At wala naman kaming kasalanan sa nangyari.

"Babae ba ang rason ng away?" Tito Tres asked after sipping on his wine.

South didn't bother to explain his side. Ngumisi si North.

"The girl is using him in order to see her idol," North explained like it's the root of the whole problem.

Gusto ko sanang magsalita kaso ramdam ko ang kagustuhan ng aking pinsan na huwag nang banggitin ang iba pang nasaksihan at nangyari.

Latch's sister is involved. Detalyado iyon sa aking isip ngunit ayoko nang masyadong isipin lalo na't sasakit lamang ang aking ulo.

Ang tanging nasisigurado ko lamang ay lumagpas si South sa linya kaya naging ganoon si North. Ngunit sa malaking eskandalong nauugnay ngayon kay Nana ay natakpan din ang galit ng mga Delafuente at mukhang nabubunton ang lahat doon sa lalakeng idolo ni Nana.

"Do you like that girl, South?" Tito Uno asked calmly.

Napatingin kaming lahat sa aking pinsan. He nodded weakly.

"Do you like that girl, too, North?" si Tito Uno nang ibaling ang atensyon sa isa pang anak.

"No, Dad," halakhak ni North.

Kita ko ang talim ng tingin ni South ngunit mabilis ding binawi at nahulog sa plato.
Tahimik akong sumubo. Sobrang tahimik din si Irah at ayaw nang maglapag ng opinyon habang sumisimsim sa kanyang tubig.

"May pumuporma bang Delafuente sa inyo?" kuryosong tanong ni Tito Uno nang sa amin naman ni Irah tumingin.

Umiling ako ng marahan. Ken and I were just texting. Siya lang naman ang Delafuente na alam kong malapit sa akin ngayon.

R U L E D (NGS #10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon