Chapter Twenty

1.3K 30 4
                                    

Two months passed that I lived peacefully. Iyon lang naman ang buhay na gusto ko. Mag-isa lang ako pero hindi ko naman nararamdaman na parang nakakulong ako sa isang kuwarto na may nakakasakal na hangin na paligid.

I am far from the people who are toxic to me and that is the main reason why I am so thankful with the life I have today. Medyo mahirap pero kinakaya hindi tulad noon na isa na lang ang naiisip kong solusyon; mawala ako sa mundo.

It may be too cheesy to admit but Khaos is already enough to my life. Sapat na sa aking may isang taong handang makinig sa lahat ng sasabihin ko. Isang tao na hindi ako huhusgahan at maiintindihan ko.

We're both fighting for our lives alone-without families on our side-but at least we have each other's back. Kami ang magkasangga sa nakakapagod na mundo.

Darating man ang araw na kailangan naming maghiwalay at magkaiba kami ng landas na tatahakin, hindi ko siya makakalimutan dahil naging malaki siyang parte ng buhay ko.

I need him in my life but I know that one day, I will also need to let go of him.

"If x is equals to five, bakit mo ako iniisip?" tanong bigla ni Khaos matapos niyang pitikin ang noo ko.

Tinulak ko palayo ang mukha niyang sobrang lapit na sa mukha ko. "Hindi kita iniisip. Swerte mo naman kung gano'n."

Lumabi siya. "Weh?!"

"Manahimik ka na! Napakataas ng tingin mo sa sarili mo! Akala mo naman guwapo!"

"Bakit? Hindi ba?" Nilapit niyang muli ang mukha niya sa akin.

Kunot noo ko siyang tinitigan nang malapitan. Sa totoo lang ay guwapo naman talaga siya pero hindi ko 'yon sinasabi sa kaniya dahil alam kong aasarin niya lang ako na baka crush ko siya.

Si Khaos 'yong tipo ng tao na iisipin mong imposible. He's good looking, smart, and uh, well . . . he's kind. He will protect you at all costs.  I can't still forget the times when he protected me against all of the people who hurt me. He helped me escape from our house. He helped me a lot of times and I am very thankful to him.

What I admire about him the most is despite his good traits that are close to perfection, he never used it to play with girls' hearts.

Kayang-kaya ni Khaos makuha ang sinumang babae na gugustuhin niya, kahit dalawa pa 'yan o tatlo pero dahil nga siya si Khaos at ideal man talaga siya, hindi niya ginawa.

Swerte talaga ang babaeng magugutuhan niya dahil alam kong hindi siya magagawang saktan ni Khaos.

"Matunaw naman ako, be," aniya. "Hindi mo ako tutunawin for today's chapter, ha!"

"Gagi! Lumayo ka nga! Nakakadiri mukha mo lalo kapag malapitan. Mukha kang lupa na tinubuan ng mukha tapos tinaniman pa ng sama ng loob!"

Piningot niya ang ilong ko at pinanggigilan niya talaga 'yon.

"Namemersonal ka na, ah!"

Hinampas ko na lang ang kamay niyang nasa ilong ko pa rin para alisin niya na 'yon. Kung hindi ang noo ko ang madalas niyang pagdiskitahang pitikin, ang ilong ko naman madalas niyang pingutin.

He stuck his tongue out like a kid. He's turning twenty-one in April but he still acts like a twelve-year-old kid na masarap paiyakin.

Our semester is about to end again. Hindi ko akalaing ilang buwan ko na rin palang kasama si Khaos. Kailan ko pa lang siya nakilala pero mas nahigitan niya pa ang mga taong mas matagal kong nakasama.

It's true that sometimes, a person you just met months ago is better than the people you knew years ago.

Khaos is the perfect example of that!

Napatingin ako kina Krizza, Rica, at Jade. Unlike before na halos grabe nila akong inisin, awayin, at paringgan, ngayon ay tahimik na sila. Hindi ko alam kung may bato bang tumama sa ulo nila kung bakit bigla na lang silang nanahimik pero ayos na rin 'yon.

About Lyka and Kyler, nakikita ko pa rin naman sila rito sa campus pero hindi na kami nagpapansinan pa. Nilubayan na rin ako sa wakas ni Lyka. Usap-usapan din na on and off ang relationship nila pero wala naman akong pakialam.

Whatever happens to their relationship, I think it is what they deserve. Bahala na sila sa mga buhay nila dahil may sarili rin naman akong buhay.

Wala na akong balita kina mama at papa . . . o tito at tita pero mabuti na rin 'yon. I don't want to hear something about the people who don't concern me at all.

Tinakasan ko nga, magiging interesado pa ba ako sa mga nangyayari sa buhay nila? Hindi naman ako tanga.

I stayed away from them. I should stay still where I am now.

People who have done wrong to you a lot of times and never felt sorry about it are too merciless. Stop putting yourself in a situation you don't deserve.

"Malapit na bakasyon, Ahms! Ano'ng plano mo?" si Khaos habang naglalakad kami pauwi.

Kakain lang kami saglit tapos ay magbibihis saka papasok sa trabaho. Natawa nga ako sa kumakalat na tsismis; live in na raw kami ni Khaos dahil may ilang estudyante ang nakakita sa aming sabay pumasok at umuwi sa mula sa isang compound. Hindi naman kami sa iisang bahay nakatira at isa pa, wala naman kaming relasyon. Mga malisyosa! Idagdag pa na may nakakakita rin sa amin sa 7/11. Couple goals pa nga raw!

"I'm planning to start a small business," I answered his question. "Ewan ko! Complicated yata ang online selling saka wala pa nga akong puhunan, e. Kailangan ko pang maghanap ng isa pang pagkakakitaan ko kasi nangangailangan talaga ako!" Tumawa ako.

"I can lend you some money," he said.

Hindi ko alam kung saan ba siya kumukuha ng pera kasi napapansin kong parang hindi siya nauubusan. Ang sweldo nga namin ay hirap akong pagkasyahin sa isang buwan pero siya ay may sumosobra pa. Nakakapag-ulam pa ng masarap 'yan! Siya nga ang nagbibigay ng ulam ko minsan, e.

Ang sabi niya ay may isa pa siyang work pero hindi ko naman alam kung ano 'yon dahil ayaw niya rin namang sabihin. Hindi ko na rin siya pinilit. Doon siguro nanggagaling ang iba niya pang pera.

"It's still a plan. Kapag kailangan ko naman ng tulong, ikaw talaga ang una kong lalapitan dahil ikaw lang naman ang nandiyan. Though I don't want to be dependent on you too much. Basta! Magsasabi ako kapag kailangan ko ng tulong."

I smiled at him. I really appreciate him being so thoughtful and selfless. I can't picture what my life could be without him. It feels so lonely and dull.

Medyo natatakot na rin ako dahil nitong mga nakaraang araw ay madalas siya sa isip ko. Iniisip ko kung paano kaya ako kung wala siya? Kung hindi ko siya nakilala? Kung hindi ko siya naging kaibigan? Siguro sukong-suko na talaga ako sa buhay ko.

Binigyan din kasi ako ng pag-asa ni Khaos. Ang dami niyang sinabi sa akin na nagpaliwanag sa isip ko. Ang dami kong naging realizations dahil sa kaniya. Siguro kung hindi niya sinabi sa akin ang mga 'yon, baka hanggang ngayon ay tanga ako. Baka hanggang ngayon ay nagtitiis ako kasama ang mga taong hindi dapat sa buhay ko.

How funny that I hated him the first time I saw him but now I am very much thankful to his presence.

"Let's go out on Saturday," Khaos said while we were walking. "Day off naman natin. Kailangan din natin ng pahinga."

"Sleeping the whole day on Saturday is my kind of rest, Khaos. Nakakapagod lang kapag gumala tayo. Anong pahinga 'yon?" Tumawa ako.

"Ahms, you're missing out on social life. Wala namang masama if you'll have fun kahit isang araw lang," aniya saka ako inakbayan. "Mukhang alam ko keyword para mapapayag ka."

"Sige nga! Ano?"

"My treat." He then looked at me and raised his eyebrows.

I fought the urge to smile but I failed. "Sige na nga! Sabi mo 'yan, ah? Saan ba tayo pupunta?"

"Hindi ko pa alam." Humalakhak siya kaya nadamay na rin ako.

This is what our usual conversation went like. We will end laughing even just in simple things but at least we know to ourselves that the smile on our lips is genuine. It is true. Totoo at hindi mababayaran.






Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon