Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 8

137K 2K 125
                                    

Nagpunta si Renzo sa opisina ko para mamili ng lugar kung saan kami pwedeng ikasal. Hinayaan ko siyang maupo sa silyang katapat ng lamesa ko habang ako, nakatanaw sa mga gusali sa labas.

Nang nakapag-ipon na ako ng lakas ng loob, inikot ko ang upuan ko para maharap siya. "May nalaman ako."

Bumigat agad ang pakiramdam ko pero alam kong kailangan ko itong sabihin.

"Si Daddy, may inutusan para... para ipasunog ang iMake."

Natigilan siya at hindi nakapagsalita. I can see both shock and pain in his eyes. Alam kong matagal na siyang naghihinala pero tulad ko, nakakagulat pa rin ngayong kumpirmado na. I told him the rest of the story at nang maproseso niya ang mga sinabi ko, unti-unting sumilay ang galit sa mga mata niya. Nalukot niya ang hawak niyang picture habang nakatitig sa lamesa.

Padarag siyang tumayo at tumalikod habang nakadantay ang dalawang kamay sa balakang niya. Tumingala siya habang tila iniintindi ang mga pangyayari.

"Fucking asshole!"

Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang marahas niyang tabigin ang name plaque ko sa lamesa kaya kumalansing ang bubog nito sa sahig.

Nanlamig ako sa takot habang pinakikinggan siyang paulit-ulit na magmura habang nakatalikod sa 'kin. "I knew it. I knew it."

"Renzo, please... calm down."

Mabilis pa rin ang paghinga niya nang ilapat niya ang dalawang palad sa lamesa ko. "Bakit niya 'yon ginawa sa nanay ko?!"

Napayuko ako sa takot nang hampasin niya ang lamesa. Gusto ko nang iatras ang upuan ko pero pinilit kong hindi gumalaw. "We... have to find that man."

Naupo siya at tumitig sa lamesa ko. Kumuha siya ng isang litrato at ginawa nang libangan ang pagpunit nito.

"Yes, and I want that payment information. Your father must've wire-transferred the money."

"P—pwede kitang tulungan na makuha 'yong info sa cellphone ni Daddy but it's not easy. Madalas, dala niya 'yon sa opisina. Minsan lang—talagang minsan niya lang bitawan dahil lagi siyang may hinihintay na tawag."

"If you really want to help me, then do it."

"Hindi mo na ako kailangang sabihan, gagawin ko naman. Hindi na rin kaya ni Mom ang mga nalaman niya kaya it's the three of us against my father. Kung sakaling mapatunayan na nating siya nga ang dahilan sa nangyari kay Tita Ida..."

Natigilan ako kaya nilingon niya ako. I cleared my throat at naupo nang diretso. "Can you spare my Mom? Wala siyang kinalaman dito and I can't lose her."

Umiwas siya ng tingin at saka diretsong tumayo. "Just do what you have to do."

Lumapit na siya sa pinto pero bumukas na ito agad at pumasok si Gigi. Nagkatinginan lang silang dalawa bago siya tuluyang umalis. Si Gigi naman, nginitian ako agad pero nang mapansin niya ang bubog sa sahig, naglakad siya agad palapit.

"Anong ginawa ni Renzo sa 'yo?! Sinaktan ka ba?"

"Hindi, nagalit lang." Pinilit kong ngumiti pero alam kong hindi naman siya kumbinsido.

"Alam mo, Wendy. Mukhang hindi naman 'to magwo-work." Saka niya isa-isang pinulot ang mga punit na litrato sa lamesa ko. Mukhang wala ring napili si Renzo. Hindi talaga siya interesado sa disenyo at takbo ng kasal.

"Well, maganda ang taste ni Renzo."

"Wala naman siyang napili."

Inangat niya ang dalawang litrato na nakahiwalay sa iba, nakapatong 'yon sa isang pile ng folder na nasa lamesa ko.

Bleeding Love (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon