CHAPTER 9

22.4K 1K 535
                                    


She loves me, she loves me not......she loves me, she loves me not. She loves me! Oh my god!

Eto ang sigaw ng malanding isip ko habang isa-isang pinitas ang mga rose petals sa ibabaw ng dining table ng LaCuisine Restaurant. Napagtripan kong pitasin ang mga ito dahil nalalanta na. Ako ang inatasan ng manager palitan ang mga bulaklak sa vase ngayon.

Sana magkatotoo ang huling sinabi ng petal. I'm manifesting!

"Kanina ka pa ganyan, Yen, ang cute mo tignan." sabi sakin ng waiter na si Chester. Isinantabi nito ang hawak na tray saka umupo sa aking harapan. Nag-ala puppy eyes ito at halatang nagpapa cute. Gago amputa.

"Tapusin mo yang trabaho mo hoy." asik ko.

"May bagong bukas na perya sa plaza mamaya. Gusto mo bang sumama sakin?" sa halip ay tanong niya.

"No thanks." agad kong tanggi.

"Sus sige na. Sweldo ko naman e. Ililibre kita."

"Diba may girlfriend ka na? Diba jowa mo yung cashier ng restaurant?"

"Shhhh huwag kang maingay."

"So totoo nga?" masama ko itong tinignan.

"Oo, pero hindi naman niya malalaman na magkasama tayo mamaya e."

Yucks, cheater. May balak pa yata akong gawing kabit. Ewww.

"Ayoko nga, bahala ka dyan. Pumunta ka 'don ng mag-isa."

"Weh? Ayaw mo o dahil may jowa ako?"

"Ulol kahit may jowa ka man o wala, hinding-hindi ako papatol sayo noh. Ang feeling mo naman." tumayo nako at iniwan ito.

Bwesit talaga 'tong mga hotdog na'to, pare-pareho lang lahat ng galawan. Hindi marunong makontento sa isa kasi dapat double talaga. Kaya ayoko ng magboyfriend e.

Bumalik ako sa kusina at nag-focus sa mga gawain. Hays isa pa 'to, medyo dissapointed ako sa kinalalabasan ng OJT ko dito sa LaCuisine. Imbis na taga assist ng luto ay ginawa ba naman akong dishwasher? Letche, nakakasama talaga ng loob. Daig ko pang alilang nahatolan ng parusang tagahugas. Hindi siya recommended na restaurant para sa mga gustong mag-intern. Tsk, sana tinanggap ko nalang yung offer ni Vaughn sa V's Palace. At least doon actual training talaga at hindi lang basta tagalinis ng kalat.

Ayan ang arte mo kasi! Hinabol ka na nga nagpapabebe ka pa. Magdusa ka dyan! Anang isip ko.

"Yen, paki-hugas na rin ako neto ha? Salamat." lumapit sakin ang isang chef saka inilapag sa gilid ang ilang used na plato at kaldero. Lihim akong sumimangot at napabuntong hininga. Bwesit talaga, ang sarap basagin at itapon sa pagmumukha ni Chester.

I spend the whole afternoon washing dishes.
Titiisin ko nalang 'to dahil malapit naman na ako ma-complete sa 200 hours na required ng On The Job Training. Pagkatapos neto ay wala na, no more LaCuisine and goodbye OJT na.

Pagsapit ng alas singko ay tapos narin ako, nagpaalam nako sa immediate head ng restaurant saka umuwi sa dorm. Pasalampak akong humiga sa kama at tinignan ang phone ko.

0 calls & 0 messages.

Hmp, scammer naman pala ang unggoy na 'yon. Sabi niya tatawag siya pero wala naman. It's been three days since she left at namimiss ko na yung pangungulit niya sakin. Nawalan ako ng ganang gumawa ng cakes netong makalipas na araw dahil wala siya. Na-miss ko si baby.

A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon