Chapter Fifteen

23.8K 377 91
                                    

“He did that? Seriously?” tanong ni Raya.

Nandito kami sa office ko at nanggugulo na naman silang dalawa ni Kylei. Palibhasa free day nila ngayon at naisipan nilang istorbohin ang taong may trabaho.

“Pero you let him explain na ba?” si Kylei.

Umiling ako sa tanong niya. “Lola had said it already. Pinaalis daw siya.”

“You know it’s wrong that you judge easily without hearing his side. Nagalit ka agad, hindi ka muna nagtanong,” ani Ky habang umiiling pa.

“Bakit kailangan ko pang magtanong? I saw it with my own eyes. Sinabi rin ni lola na pinaalis nga raw siya, ‘di ba? So, anong itatanong ko? Did he really ordered an old woman to leave? Ang bastos niya! Wala siyang awa!”

They both sighed, ayaw nang sabayan ang inis na nararamdaman ko. What else do they want me to do? Yes, I love him but what he did isn’t acceptable. He’s being so disrespectful! I don't want a man who doesn't know how to pay respect.

“Masyadong mainit ulo mo, baka p’wede nang magprito ng itlog d’yan,” biro ni Raya na silang dalawa lang naman ni Kylei ang natawa.

“Bakit ba kasi kayo nanggugulo rito?” tanong ko.

“Aba! Kapag ikaw nanggugulo sa amin sa agency, hindi ka naman namin ginaganyan!” Inirapan ako ni Kylei. “Ang annoying mo!”

I pouted. Ang conyo niya today. I'm being so frustrated at all, dumagdag pa si Cairus! I really didn't talk to him kahit pa kinakausap niya ako. He should know why I am mad.

"Shopping na lang tayo, Raya." Tumayo si Kylei saka kinuha ang bag.

Walang gana ko lang silang pinanood sa pag-aayos. Kung inaakala nilang naiinggit ako, hindi sila nagkakamali. Gusto kong sumama pero hindi p'wede at marami pa akong kailangang ayusin dito.

"Hindi ka sasama?" tanong ni Raya nang mapansing nakatingin lang ako.

"I have a lot of things to do. Kayo na lang, kailangan n'yo ng bonding."

"Okay. Si Raya na ang new best friend ko," sabi ni Ky saka sinukbit ang kamay sa braso ni Raya. "Tawag ka lang kapag kailangan mo kami."

"You'll help me?"

"No. Tatawanan ka namin."

Tumayo ako at tinulak sila palabas ng office ko. Wala silang ginawa kundi asarin na lang ako nang asarin. "H'wag na kayong babalik dito!"

"Okay! Mwa!" Nag-flying kiss pa si Kylei. Iniripan ko lang siya bilang ganti saka sinara nang hindi kalakasan ang pinto.

Mga istorbo!

Binalik ko na lang sa atensyon ko ang trabaho. Naghahanap ako ng magandang mapagkukuhanan ng tela. Nagbubukas din ako ng email saka binibisita sila Jil para kumustahin ang ginagawa nila. Stress din sila katulad ko pero hindi rin tumitigil magtrabaho.

Inabala ko naman ang sarili ko sa pag-i-sketch nang biglang bumukas ang pinto. Nag-angat ako ng tingin at ang una kong nakita ay ang madilim na mata ni Cairus.

Mabilis siyang naglakad papalapit sa akin. Binagsak niya ang mga kamay niya sa mesa ko saka nilapit ang mukha sa akin dahilan para lumayo ako.

"W-what are you doing here? Intruder!"

He smirked. "You intruded in my room also but my reaction wasn't that exaggerated."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ano ngang ginagawa mo rito?!"

"I already know why you're acting that way." He stood up manly ang put his hands on his waist. "Will you let me explain about that?"

Tumayo ako, sinubukang sindakin siya pero hindi nangyari dahil kinailangan ko pa ring tingalain siya.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon