17

12.3K 427 50
                                    


NAGISING si Nayumi na wala sa tabi niya si Ivan. Naghihikab siyang bumangon, bahagya nang binigyang-pansin ang pananakit ng katawan. Kinuha niya ang relo niya sa ibabaw ng nightstand. Alas-nuwebe ng umaga.


Napaungol siya nang maisip na wala siyang ibang damit kundi ang suot niya rin kahapon. Nakita niya ang mga iyon na maayos na nakatupi sa pang-isahang sofa. Kumunot ang noo niya. Bagong laba at plantsa ang mga damit. Kahit ang panties niya'y malinis.


Napangiti siya. Natitiyak niyang maagang nagising si Ivan at pinalabhan at pinaplantsa sa laundry ng hotel ang mga damit niya. How thoughtful.


Kumuha siya ng malinis na tuwalya sa ibabaw ng tokador at pumasok sa banyo at naligo. Hanggang sa makapagbihis siya'y wala pa rin ito. Sumilip siya sa bintana, nasa parking ang bike nito, ganoon din ang Hummer. Maaaring nasa lobby lamang ito.


Kinuha niya ang bag at lumabas ng silid. Nang mapadaan sa silid niya sa kabila ay bahagyang bukas ang pinto niyon at narinig niya ang tinig nito. Napahinto siya. "Nai-report ko na sa pulisya ang nangyari, Mr. Navarro..."


She frowned. Ang papa ba niya ang kausap nito?


"Tumawag lang ako ngayong umaga sa local travel agency, sir. Nai-book ko na ang flight para mamayang hapon.... ako na ho ang bahala sa pagpapakarga sa Hummer sa barko..." Umatras pabalik sa kabilang silid si Nayumi. Gustong sumabog ang dibdib sa sama ng loob. Pauuwiin na siya nito ngayong araw.


Pero hindi ba at iyon naman talaga ang plano niya? Ang kunin ang unang biyahe ngayong umagang ito?


I don't want you falling in love with me, Nayumi... Bakit kagabi ay handa niyang tanggapin iyon? Bakit ngayong umaga'y tila hinatulan siya nito ng kamatayan? Tinakpan niya ang bibig nang mahigpit upang huwag kumawala ang hikbi niya. Kung iiyak siya'y sa eroplano na. Hindi niya gustong kaawaan siya ni Ivan. Kagabi pa siya nagkukunwaring bale-wala ang lahat. It was just sex... Kaya niyang pangatawanan iyon ngayon.


Nang umingit ang doorknob ay mabilis siyang tumayo. Namamangha siyang nakuha pa niyang ngumiti nang sumungaw si Ivan sa pinto.


"'Morning..." she greeted awkwardly. Hinagod siya ng tingin nito. May nakiraan sa mga mata nito sandali na hindi niya kayang bigyan ng pangalan. "Nakabihis ka na pala," he said without any emotion.


"S-salamat sa pagpapa-laundry mo sa mga damit ko." Her voice almost cracked. Nagkibit ito ng mga balikat. Then tenderness crossed his eyes. "Are you all right?" I will be in a thousand years. "Why wouldn't I be?" Ang ngiti niya'y nakaplaster na sa mga labi niya.


The tenderness gone in an instant. "I have booked your flight to Manila this afternoon. Sasalubungin ka sa airport ni Kurt at ng papa mo. I'll take care of the Hummer." She bit her lip, pagkuwa'y tumango at muling ngumiti. "Thanks. Have you had breakfast? I'm starving."


"Sa coffee shop sa mall. Bukas na iyon pagdating natin doon. Let's go. Dederetso na tayo mamaya sa airport. Hindi na kailangang bumalik pa rito."


Tumango si Nayumi at umiwas ng tingin kung hindi ay baka mabasa nito sa mga mata niya ang damdamin niya. Hinawakan siya nito sa siko palabas. The warmth of his fingers on her skin made her want to weep but she held herself. Sa ibaba'y ibinigay ni Ivan ang susi sa reception. Dahil sa nangyari sa silid niya'y hindi na siya siningil ng manager sa room charges. Palabas na sila nang mula sa entrada ng hotel ay lumitaw ang babaeng nakatagpo niya sa dry market. Sa mga kamay nito'y nakatuon sa kanila ang isang baril.


"Thea, ano ang ibig sabihin nito?"


Sharp fear ran through Nayumi. Bigla'y tila tinakasan siya ng hininga. Sa kanya nakatutok ang baril ng babae.



************Kumusta kayo mga beshie, sorry medyo busy na ulit si Admin A :(. Chat n'yo ako char hahaha - Admin A*************

Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon