18

14.9K 499 56
                                    

"THEA, ano ang ibig sabihin nito?" ani ivan, sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay natakot siya sa isang baril—dahil nakatutok iyon kay Nayumi. He absorbed the situation in one horrifying flash. Mananatili na marahil iyon sa isip niya sa habang-panahon.


Nang lumipat ang tingin ni Thea patungo sa kanya ay gumalaw rin ang baril palayo kay Nayumi. Bahagyang-bahagya lang pero para kay Ivan ay malaking bagay iyon.


"Papatayin ko ang babaeng iyan, Ivan," wika nito sa pinakamalamig at pinakamapanganib na tinig.


Beside him, he could feel Nayumi's fear. "Bakit mo gagawin ito, Thea?" "Bakit? Dahil mahal mo siya. At hindi mo kayang mabuhay nang wala siya. Lagi kang nasa tabi niya! At akin ka, Ivan... Akin ka lang!"


Sinisikap ni Ivan na huwag mag-panic. He had been in a situation worse than this. Walang dahilan upang hindi niya kayang gawan ito ng paraan.


Sa pakikipagnegosasyon sa mga terorista, o sa isang espiya na nakatakdang mabura sa mundo, o sa isang ex-fiancée na nawawala na sa katinuan ng isip at nakatakdang patayin ang kaisa-isang babaeng minamahal mo, ang pinakamatalinong magagawa ay ang sabihin kung ano ang gustong marinig ng mga ito.


Kailangan niyang bumili ng panahon at mag-isip kung paano ito malulusutan. isang hakbang ang ginawa niya palapit kay Thea.


"Huwag kang kikilos, Ivan!" itinaas nito ang baril kay Nayumi na biglang napasinghap nang malakas. Napahinto si Ivan sa paghakbang. Terror numbing his senses.


"Huwag kang lalapit man lang sa akin," mariing banta nito. "Alam ko ang mangyayari kapag pinayagan kitang makalapit. Hindi mo maililigtas ang babaeng minamahal mo."


"Hindi totoo ang sinasabi mo,Thea," wika niya. "Alam mong wala akong ibang minahal kundi ikaw—"


"Sinungaling!" she screamed. "Sinusubaybayan kita, hindi mo ba alam iyon?" Tumawa ito nang malakas na tila ba ipinagyayabang na napaglalangan nito si Ivan sa bagay na iyon. "Lahat ng ginagawa mo'y alam ko, Ivan. Alam ko nang ipagtanggol mo siya sa mga bataan ni Mayor." Ivan's jaw tightened. So, she was the one he saw lurking at the shadows that night.


"At lalong alam kong hindi ka nakikipag-date sa mga babae nang labis sa dalawang pagkakataon. Pero limang araw nang walang patid kayong magkasama ng babaeng iyan. Hindi ka man lang umuuwi sa farm!"


Habang tinititigan ni Ivan si Thea ay lalong natitiyak niyang wala na ito sa katinuan ng isip. Gusto nang sumabog ang dibdib niya sa takot. Tatlong metro ang layo nito sa kanila. At ni wala siyang mahagilap na bagay na maaaring maihagis dito upang mabitiwan nito ang baril.


Nakikita niya sa sulok ng mga mata ang isang malaking ashtray sa ibabaw ng front desk. Subalit isang dipa nang mahigit ang layo nila ni Nayumi mula roon at bago niya makuha iyon ay maipuputok na ni Thea ang baril kay Nayumi. Thea might not be a crack shot. But she knew how to fire a gun. Hindi ito mimintis.


"Thea, ang dahilan kaya mas malimit kaming magkasama ay dahil binabayaran ako ng ama niya bilang personal bodyguard niya habang naririto siya sa Davao. Ngayong hapon ay babalik na siya sa Maynila..."

Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon