Kabanata 24

22.2K 1.1K 266
                                    

Kabanata 24

Worried

Akala ko, buo ang paninindigan ni Nero na sa condo niya kami matutulog kapag natapos na ang anniversary party ng mga magulang niya... na in-laws ko na rin.

Pero isang pakiusap lang ni Mama Adrianna sa kaniya na dito na kami matulog, pumayag na rin siya. Ayos lang rin naman sa akin. Makakadapa naman siguro ako mamaya?

Isa pa, dito rin daw magsisitulugan ang buong pamilya namin. Sobrang laki ng bahay nina Mama Adrianna at kahit ata mag doble pa ng bilang ang mga matutulog dito ay ayos lang.  Magkakasya ang lahat.

“Good night everyone! Enjoy your plok-ploks!” sigaw ni Tate habang papaakyat sila ni Zadriel. “Tayo rin, Zadriel. Plok-plok tayo?”

Ipinaikot ni Zadriel ang bisig niya sa leeg ni Tate at hinalikan ito sa sentido. May ibinulong ito sa asawa dahilan para humagikhik si Tate. Nauuna sila sa amin ni Nero sa pag akyat ng hagdan kaya kitang kita ko ang reaksyon niya.

Sa likod namin ay sina Dashiel at Dreya. Pinakahuli sina Alas at Ania.

Bahagya kong dinunggol ang braso ni Nero. Sinulyapan niya ako, nakataas ang kilay.

“Ano ‘yong plok-plok?” bulong ko sa kaniya.

Nagkibit balikat siya. “I don’t know either.”

“That means sex, Isha.” Si Dashiel na nasa likod namin ang sumagot.

Nilingon ko siya, pilit na ngumiti. Nakaramdam ako ng hiya na narinig niya ang tanong ko kay Nero. Nang tingnan ko ulit si Nero ay napapailing siya.

Humagikhik ako.

“Plok-plok later, Nero?”

Sinamaan niya ako ng tingin. Nag beautiful eyes ako na ikinahinga niya lang nang malalim at umiling. Pakiramdam ko ay napupuno na rin siya sa akin.

Hihi.

Pumasok kami sa isang kwarto. Ang sabi ni Mama Adrianna ay nakalaan daw talaga ito para kay Nero. Ang alam lang nina Ania at Zadriel ay guest room ito kaya hindi sila nagtatanong.

Isinampay ni Nero ang coat sa sandalan ng couch. Naupo siya doon at tila pagod. Tinatanggal niya ang unang tatlong butones ng kaniyang puting long sleeve habang nakasandal ang batok sa head rest.

Tahimik akong lumapit at umikot sa likuran niya. Marahan kong pinaglandas ang mga kamay ko sa kaniyang matikas na likod hanggang balikat. Sa mabagal na paraan ay minasahe ko ang mga ito.

Narinig ko ang bahaw niyang tawa. Mula sa pagkakasandal sa head rest ay nilingon niya ang gawi ko at nagmulat ng mga mata. Bahagya akong yumuko at inilapit ang mukha sa kaniya.

Ngumiti ako. “Sana marelax ka sa ginagawa ko. Alam kong napagod ka ngayong araw.”

“Hmm. But I’d rather have you here sitting on my lap.”

Ngumuso ako. “Pagod ka na nga, ikakalong mo pa ako.”

“I’m not tired. Kaya pa kitang padapain.”

Namilog ang mga mata ko. Pakiramdam ko pa ay nagkislapan ang mga ito dahil sa mga salitang binitawan ni Nero.

“Paasa ka naman, e.” ngumuso ako hindi kalaunan.

Muli siyang natawa. “Come here.”

Umikot ako sa couch. Magso-short cut na lang sana ako at hahakbang doon sa sandalan para mas madali kaya lang ay baka isipin ni Nero na hindi ako prim ang proper.

Uupo na sana ako patalikod sa kaniya nang bigla niya akong kabigin at itaas ang mga binti ko sa couch. Patagilid na ang upo ko dahilan para makita ko nang maayos ang gwapo niyang mukha.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon