Kabanata 47

13.4K 285 21
                                    

KABANATA 47 :: POISON

Tama nga sila, time flies so fast when you're happy. Halos hindi ko na namalayan ang isang linggo dahil sa iba't-ibang pakulo ni Kleindro.

Even he's busy working, he can still make time for me. Umuuwi pa rin sya tuwing tanghali para sabay kaming mag lunch at kung gabi naman ay lumalabas kami.

Yesterday, we watched an orchestra. He got us a VVIP ticket. We had a chance to join their victory party but I was too tired and sleepy, idagdag pa na may trabaho sya kinabukasan.

"Good evening ma'am," nakangising bati ni Roy.

Nakasuot siya ng uniporme at tuwid na nakatayo sa may hagdan. Di gaya dati, mas kaswal na siya ngayon. Hindi na masyadong intimidating at promal.

However the man beside him is the exact opposite. He has a darker aura despite of the smirk plastered on his face.

I gave them a slight smile before heading to where my husband is standing.

Titig na titig siya sa akin at ni minsan ay hindi niya nilubayan ang mata ko. He was staring at me as if wandering into the depths of my soul.

"Shall we?" Kleindro asked in a hoarse tone.

I nodded and accepted his hand. Mula sa pagsakay sa elevator hanggang sa pagbubukas sa pinto ng kotse ay nakaalalay siya sa akin.

We had a silent yet peaceful travel. Si Kleindro ang nag drive habang dalawang SUV ang naka convoy sa amin.

"Mr. and Mrs. Lavaigne, welcome po," bati sa amin ng babaeng nakatayo sa gilid.

She stepped up and guided us to our fancy table like she's been waiting for us.

Tinaasan ko ng kilay si Kleindro nang ipaghila nya ako ng upuan.

The ambience of the place is good. Warm amd relaxing.

Classic at modern ang interior sa loob. Malayo ang mga mesa sa bawat isa, para siguro bigyan ng privacy ang bawat costumer. Malaki naman ang lugar.

Sa mga glass wall malayo sa amin ay kita ang mga gusaling iba't-ibang ang kulay at sa malayo ay dagat na kumikinang dahil sa liwanag ng buwan.

"Akala ko ba biglaang dinner?" kunwaring kunot-noong tanong ko.

Nag-iwas siya nang tingin at umupo sa tapat ko.

"May gusto ka ba?"

Ikaw.

Ngumisi para itago ang pagtawa sa sarili ko. Umiling lang ako dahil nasa isang French restaurant kami at bukod sa wala namang menu ay hindi ko alam kung anong pwede kong kainin.

"Nag-order na ko for us, pero kung gusto mo pa pwede naman nating dagdagan."

I looked at him curiously.

"Biglaan huh," I mocked him but he just shrugged in return.

"Last week I... I was planning to date you- I mean take you out so..."

Bago ko pa sya maasar dahil sa pamumula ng kanyang tenga ay dumating na ang ilang unipormadong server.

Halos mapuno ang lamesa namin sa ng mga pagkain na hindi pamilyar sa akin.

I am expecting a four course meal with a little serving kaya naman takang napaangat ako nang tingin kay Kleindro na nahuli kong pinagmamasdan din ako.

Nang makaalis ang mga nag serve ay saka ko siya tinanong.

"Andami. At mukhang hindi tayo diet ngayon."

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon