Kabanata 48

12.9K 311 3
                                    

KABANATA 48 :: IN LOVE

Life is such a mess, and shit things happen almost everytime.

We are sleeping in the same room but I felt like there's a wall between us. We are often together but he seems far away. Or maybe, it was me. Because no matter how hard I tried. I can't act nor think the same.

Dumistansya ako sa kanya at hindi ko alam kung manhid ba sya o nanahimik lang dahil wala naman syang nirereklamo. O baka naman mas pabor sa kanya na habang hindi pa tapos ang anim na buwan ay naghahanda na akong lumayo.

I wonder if he even noticed that.

Ginulo ko ang buhok at halos padabog na bumangon sa kama.

Nagsuot ako nang tsinelas at dahan-dahang lumabas sa kwarto.

Nang sumulyap ako sa orasan ay napagtanto kong halos hating-gabi pa lang. Nagpaalam naman si Kleindro na late uuwi ngayon kaya maaga akong nagplano na matulog.

Right. Nagplano. Hindi rin naman natuloy.

Dim ang ilaw habang pababa ako ng hagdan. The cold air from the AC is giving me chills kaya naman inayos ko ang silk robe na nakapatong sa suot kong nighties.

"But son, you have to be there. Next week itu-turn over ko na sayo ang kompanya."

Napatigil ako sa paghakbang nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

Dahan-dahan akong sumilip sa living room at nakita doon si Kleindro at ang Mama nya.

Kapwa sila nakatayo, nakaharap sa isa't-isa tila nagtatalo. Pareho rin silang nakasuit ng corporate attire at sa malayong gilid ay kita ko ang bodyguard at babaeang assistant na madalas kasama ng ginang.

"Mama, I told you I can work at home. Settled na ang issue sa-"

"Kleindro! This is ridiculous! Ano bang meron sa bahay na ito at hindi mo maiwan?"

"My wife... She's-"

"Your wife? That pretty for no good bitch?"

I waited. I waited till I realized that there's no point in waiting.

Hinintay kong umalma sya. Hinintay kong ipagtanggol nya ako ngunit ni gaputok ay hindi siya nagsalita.

Unti-unti akong umatras lalo na nang hindi makarinig ng tugon mula kay Kleindro.

Hilam ang luha sa aking mata habang paakyat ng hagdan. Imbis na sa kuwarto ay sa fitness room ako dumiretso. May kaka-install lang na boxing ring doon kaya doon ako naupo.

Stop hoping. Stop dreaming. Sarili mo ngang pamilya kaya kang ilaglag? What more yung tao na nakilala mo five months ago? And why the hell am I sulking?

At least she said I'm pretty right? Look on the brighter side. For a woman like her it must be hard to give compliments. Pero sino bang niloko ko? Even my sister, Mocha na hindi nya pa nga yata nakikila personally ganon nya na lang purihin. Si Chelsea, hayagan nyang ipinapamukha sa akin kung gaano kagaling.

"This is ridiculous..." pagalit na bulong ko sa sarili.

Inabot ko ang remote ng aircon para hinaan iyon at siniguro ang pagkakalick ng pinto bago ako mahiga sa malamig na sahig ng boxing ring.

I closed my eyes and forced myself to remember the good memories from my past.

"Hey... Hey Vanilla baby..."

Marahang pagtapik sa pisingi ang tuluyang gumising sa akin mula sa pagkakatulog. I can't remember how and when I fell asleep, basta namalayan ko na lamang na nilalamig ako.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon