CHAPTER 18

515K 22.9K 32.4K
                                    

MAGANDA at mahinhin.

'Yan agad ang naisip ko nang makita ang marikit na binibining nakaupo sa tapat ko. Mahaba ang kaniyang kulot na buhok at bilugan ang mapupungay niyang mga mata. Natural na namumula ang mga pisngi na bumabagay sa hugis-puso niyang mga labi.

Siya si Raquen Florencio, ang aming kasalukuyang kliyente. May mukhang tiyak na kahuhumalingan ng mga kalalakihan at pinapangarap ng mga kababaihan. Pero sa halip na maging masaya, puno ng lungkot ang kaniyang mga mata.

After all, beauty comes with a price.

"I-I have a stalker..." Bakas ang takot sa kaniyang maliit na boses. "And it's starting to creep me out."

Nagpatong siya ng ilang mga dokumento sa lamesa at sinuri ko ang mga ito. Ang una ay larawan ng kaniyang kuwarto na punong-puno ng mga bulaklak na pinapadala ng kaniyang tagahanga. Ang pangalawa naman ay isang liham kung saan nakasulat ang ilang mga salitang may hindi magandang intensyon.

You need to stay young and beautiful, my dearest Raquen. I don't want your pretty face to wrinkle with age. I'll make you eighteen forever.

Dinalaw agad ng takot ang buong katawan ko nang mabasa iyon. It's a death threat. Binitawan ko ang papel at hinawakan ang malamig na kamay ni Raquen.

"I'm sorry you're going through this," I told her. "Gagawa kami ng propesor ng paraan upang pigilan siya. Stay strong, Raquen. We won't let anything happen to you."

***

PINATONG ko ang mga dokumento sa ibabaw ng side table ni XV na siyang nagbabasa ng libro habang nakaupo sa sofa. Nakuha ng larawan ang kaniyang atensyon kaya dinampot niya ito at sinilip saglit.

"Fifteen, can you ask the client if there's anything special on the 28th?" wika ng propesor sabay balik ng larawan sa mesa.

Pinagmasdan ko ulit ito habang naglalakad papunta sa telepono. Wala namang kahit ano roon kung 'di sari't saring mga bulaklak sa iba't ibang palumpon.

Binilang ko ang mga iyon ngunit mukhang lagpas sa isang daan ang dami ng mga bulaklak. Saan galing 'yong 28?

Sumunod na lang ako at tinawagan ang numero ni Raquen.

"Fift?"

"Raquen, pinapatanong ni Professor XV kung ano raw ang meron sa darating na ika-28?" aking bungad.

Natigilan saglit ang kausap ko sa kabilang linya. "M-May magaganap na selebrasyon sa bahay namin sa petsang iyon. Paano nalaman ng propesor ang tungkol doon? Hindi ko iyon nabanggit kanina."

"Selebrasyon? As in party?" Bumuntong-hininga ako at naglabas ng saloobin. "Hindi ko rin alam. Kahit ako ay laging ginugulat ng propesor na 'yan!"

Bigla may umangat ng ilang hibla ng buhok ko. Nasa likuran ko na pala si XV at nilalaro niya ang ilang piraso ng aking buhok paikot sa kaniyang daliri.

"Really? Do I surprise you, Salustiana?"

Muntik na 'kong tumili sa sobrang gulat!

"Why did you stop? Continue your talk," said his bass-deep voice. "Gusto kong malaman kung ano pa ang mga sasabihin mo tungkol sa propesor na 'yan."

Huminga ako nang malalim at nagpatuloy. "M-Mabait naman ang propesor...pero madalas ay mayabang, mataas ang ere, mahilig mang-utos, at akala mo kung sino."

"F-Fift?" Halatang naguguluhan na ang tinawagan kong si Raquen.

The professor chuckled at my savage remarks. "After your little chit-chat, ask the client if you could go to the party."

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon