Chapter Sixteen

23.8K 451 77
                                    

Kanina pa ako hinahampas nina Raya at Kylei dahil sa kilig. Kinuwento ko kasi sa kanila ang nangyari sa office. Iyong paliwanag lang dapat ni Cai ang sasabihin ko pero napunta na sa halik sa sobrang kadaldalan ko.

"So, ano'ng naramdaman mo?" tanong ni Kylei.

Malapit ang mga mukha nila sa akin na para bang abang na abang sa sagot ko. Tinulak ko ang mga mukha nila palayo.

"Magkakapalit tayo ng mukha niyan sa ginagawa n'yo!" natatawa kong sabi.

"H'wag kang mag-change topic! Sumagot ka!" pangungulit ni Raya.

Napabuga na lang ako nang malalim na hininga saka nag-isip bago muling bumalik sa kanila ang tingin ko.

"A-ano . . . s'yempre nagpipigil ako ng kilig. Pakipot muna kasi mahirap magpauto agad, 'di naman ako sigurado kung totoo ba siya sa ginagawa niya," sagot ko.

Agad ako nakatanggap ng sundot sa bewang mula kay Kylei na may mapang-asar na ngiti sa labi. "Pakipot ang drama mo ngayon? Sus! Bukas makalawa bigay na bigay ka na naman sa paghabol kay Cairus!"

Inirapan ko na lang siya at hindi na sumagot. Ayaw kong makita na naman ang sarili ko na habol nang habol kay Cai. Pahinga muna ako kasi nakakapagod din.

Tumipa na lang ako ng mensahe para kay Jairus na dalahan ako ng damit para bukas sa opisina. Mabait naman 'yon kaya hindi makakatanggi, taliwas sa pagkakakilala ng ilan. Si Jairus ang pinakamadaling lapitan sa tatlo.

Nakapantulog na kaming tatlo at kay Kylei itong suot ko, palibhasa nakapaghanda si Raya samantalang ako ay basta na lang naisipan na dito dumiretso dahil iyon ang sinabi ko kay Cai.

"What movie are we going to watch?" asked Raya while she's browsing on Netflix.

"Any of your choice," Kylei answered.

"Ano ba naman 'tong dalawang 'to? English nang english! 'Di ganiyan ang bonding, ha!" biro ko.

Tinawanan na lang nila ako. Maya-maya pa ay may nag-door bell sa baba. Wala sina Tito at Tita. Wala ring mga katulong na magbubukas para sa tao sa labas dahil wala naman silang kasambahay.

"Ikaw na bumaba, Ky," sabi ko sabay tulak sa kaibigan dahil alam kong si Jairus na ang nasa baba.

Katatanggap ko lang ang text na nasa baba na raw siya kaya si Kylei na lang ang inutusan ko para makasilay naman si gago.

"Bakit? Sino ba 'yon?" nagtatakang tanong ng kaibigan.

"Si Jai," bored kong sagot.

"Ha? Umaano rito?" Nagmamadali siyang tumayo saka tiningnan ang ayos sa salamin. Matalim siyang tumingin sa akin matapos mag-ayos. "I know what you're doing, Mil."

"What?"

"Binubugaw mo ba ako?"

Natawa na lang ako saka umiling. Tumayo ako saka tinulak siya palabas ng kuwarto niya. "Sige na! Kunin mo lang 'yong damit ko para bukas!"

Padabog na bumaba si Kylei. Natatawa akong pumasok ulit sa kuwarto niya saka prenteng humiga sa kama. Natigil si Raya sa pagtingin sa Netflix saka sumilip sa bintana.

"What the fvck are they doing here?" she asked.

Hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong niya, hindi ko rin naman alam kung sino ang mga tinutukoy niya.

"Who?"

"Them!" sagot niya saka turo sa labas.

"Ay, oo, 'day! May mata ako riyan sa bintana kaya nakikita ko. Busit ka!"

Tumayo ako mula sa kama at sumilip katulad niya. Nakita ko si Jairus habang kausap si Kylei habang sa likuran niya ay ang dalawa niya pang kapatid.

Kumunot ang noo ko. Alas otso na ng gabi. Ano'ng trip nila at tatlo pa silang pumunta rito para lang sa damit ko?

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon