Prologue

132K 2.2K 1.5K
                                    

Coat





"Mommy, si Kuya Hob tulog pa!" sigaw ko mula sa second floor ng aming bahay.

Nagmamadali na akong bumaba para hindi malate sa school. Ganyan si Kuya dahil graduating na sila kaya naman pumapasok na lang sila para mag practice ng graduation.

"Kanina ko pa pinagising ang Kuya mo," salubong ni Mommy sa akin pagkababa ko sa hagdan.

"I'll go first. May exam kami sa first period," sabi ko sa kanya.

"Kumain ka muna, Hundson."

Marahan akong umiling. "Sa school na po," tipid na sagot ko at kaagad naglakad palayo.

"Hundson, wait...magdala ka ng lunch box!" habol ni Mommy.

No way.

Handa na ang Hiace van at ang driver namin kaya naman pagkapasok ko sa loob ay naka-alis na din kaagad kami.

Pagkadating ko sa school ay diretso ang lakad ko papunta sa classrom namin. I need to prepare para sa exam namin sa first period. Malapit na ang end of school year kaya naman kahit hindi kami kagaya nila Kuya Hob na graduating sa highschool ay busy din kami.

"Hunter, hindi complete ang sagot sa assignement ko," sumbong sa akin ng bestfriend kong si Isabella.

Sinimangutan ko siya. Tahimik akong umupo sa upuan ko para maghanda.

"Palagi naman," sagot ko sa kanya kaya naman ngumisi siya sa harapan ko.

"Nandyan na ang Kuya mo?" tanong niya sa akin.

"Tulog pa."

Matamis na ngumiti si Isabella sa akin. "Magka-chat kami kagabi," kwento niya sa akin.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Ah kaya pala hindi mo natapos ang assignment mo," puna ko.

"Dalawang questions lang naman," laban niya sa akin kaya naman inirapan ko siya.

Lunch break nang mag-isa akong dumiretso sa cafeteria dahil sigurado akong nandoon na si Kuya Hob at ang mga pinsan ko.

"Apaka tagal mo naman," reklamo ni Piero habang nakahawak sa tiyan niya. Akala mo palagi ginugutom ang isang ito.

"Nag checking pa kami," tamad na sagot ko sa kanya bago ko ibinaba ang bag ko sa upuan kung nasaan sila.

Ngumisi si Kuya Hob at inakbayan pa ako. "Perfect score?" tanong niya sa akin.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya at tipid na ngumisi. "Yabang, Amputa!" asik ni Piero na nasa likuran namin.

Magkasabay pa nilang ginulo ni Kuya ang buhok ko pero yung kay Piero may kasamang batok.

May sariling mundo sina Kenzo, Tadeo, at Cairo sa likuran namin. Sa quadruplets ay mukhang si Piero lang yung napilitan isama sa tiyan ni Tita Maria.

Dahil lunch break ay mahaba ang pila sa cafeteria. Nagka-ubusan pa ng food tray kaya naman nag-agawan pa si Kuya Hob at Piero sa ilang natira. Dahil sa pag-aaway nung dalawa ay kaagad na nauna Sina Kenzo dahilan para mahuli kami. Hinayaan ko sila at tahimik na pumili ng pagkain ko.

"Kuya, akin yung meatballs..." sabi ko sa kanila para hindi na nila ako unahan kahit una sila sa pila.

Nawala ang atensyon ko sa mga pagkain ng maramdaman kong may sumunod sa akin sa pila.

"Wala ng food tray?" tanong niya sa kawalan pero ang tingin niya ay nasa mga nakahaing pagkain.

"Sayo na 'tong akin. Hati na kami ni Piero," sabi ni Kuya Hob at inabot sa akin ang food tray niya.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon