Chapter 10

687 27 7
                                    

Minjeong's POV

Maya't maya ko nakikita yung mga lihim na pagsulyal ni Yujin kay Karina kaya hindi ko maiwasang mag isip nang kung anu ano.

"Hey... Is there something bothering you?" Karina asked me. Siguro napansin niyang para akong nawala sa mood.

Ngumiti lang ako sakanya "Nothing."

Kami lang nila Heejin, Yujin at Karina ang nasa cottage ngayon samantalang sila Giselle, Ning at Yuna ay lumalangoy na.

"Magluto na kaya tayo?" pag aya ni Heejin kaya sumang ayon kaming tatlo sakanya

"Nasaan yung lulutuin?" tanong ko

"Ay nasa sasakyan pa, samahan mo ko."

"Ayan si Yujin, sakanya ka magpasama."

"Ikaw na"

Hindi ko naman magawang iwan si Karina kasama ni Yujin dahil hindi maganda ang pakiramdam ko.

Hindi nagsasalita si Yujin kaya hinila nalang ako ni Heejin papuntang parking lot kung nasaan ang mga ilulutong pagkain.

Napatawa nalang si Karina kaya napatawa nalang din ako pero agad din namang nawala nang makita kong papalapit si Yujin sakanya.

—————

Karina's POV

Hinila na ni Heejin si Minjeong kaya wala itong nagawa. Natawa ako sa kanila. Close na close talaga.

Napansin ko namang may tumabi sakin at paglingon ko si Yujin na nakangiti ang nakabungad.

"Kumain ka na ba?" tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot sakanya. Aaminin ko, bigla akong naging uncomfortable nang tanungin niya ako. Ano bang meron?

"Swerte naman sayo ni Minjeong...kahit di naman kayo totoo." Sabi ni Yujin. Hindi ko masyadong narinig yung huli niyang sinabi. Ngumiti lang ako sakanya.

"Sa tingin mo, papakasalan ka talaga niya?" Napatingin ako sa sagot niya "Oo naman." confident kong sabi.

"Kahit... deal lang ang lahat?" napatingin ako bigla sa kanya. How did she know?

"Alam mo, walang sikretong hindi nabubunyag. Yan ang sabi sakin ng mga magulang ko." Ngumiti siya pero hindi yung ngiting pinapakita niya sa mga kaibigan niya, kundi iba. "Kung ako biglang ikasal sa nagkakagusto sakin just because of a deal, siguro mas pipiliin kong tumakas kesa sa makulong sa taong hindi ko gusto."

Hindi ako nakapagsalita. Bigla niya akong inakbayan "Hindi ka naman talaga gusto ng mga kaibigan ni Minjeong para sakanya e. Especially Giselle. Sa tingin mo ba mabait na sila?"

"Yujin, ano ba" hinahawi niya ang buhok ko pero pinipigilan ko siya.

"Deserve nila Minju at Minjeong ang second chance pero dumating ka. Pwede ka namang maging sakin, gusto mo ba?" hindi ako makapaniwala sakanya. Paano niya nagagawa to? Is she betraying her friends and Minjeong?

"Oops, andyan na si fake fiance. Pag isipan mo lang yung sinabi ko. I like you, Karina." sabi niya at bumalik na sa pwesto niya na parang walang nangyari.

Tumabi agad sakin si Minjeong pagkadating nila ni Heejin.

"Grabe ka Minjeong! Ako pinagbuhat mo."

"Sabi mo samahan ka lang e." napatawa siya.

Kinulit na ni Heejin si Yujin kaya umalis na ang dalawa para magluto. Hindi rin sila ganon malayo sa cottage.

"May problema ba?" tanong ni Minjeong sakin

"Ah, wala. Gusto ko na rin maglangoy."

"Mainit pa, mamaya na"

"Min..."

Unwanted Marriage Where stories live. Discover now