16

1.6K 57 74
                                    

Authors Note: Forgive me for the delay of updates. Really busy being a student, volunteer (#KulayRosasAngBukas), and a writer. I have readings pa. :c

Don't worry, will update agad whenever I have time!

Thank you. Appreciate you. <3



16




''Two weeks na lang, makikita mo na ulit 'yung barumbado mong ex.''

Umikot ang mga mata ko sa pang-aasar ni Ligaya. Her remark wasn't exactly annoying, but the thought of Chico bugging me again made my insides roll in irritation.

''Alam mo kung may pera lang ako, nag file na ako ng TRO against sa kaniya. Naiirita na ako, ha! Imbes na pagtuunan niya ng pansin 'yung musmos niyang anak, ako ang hinahabol niya?!''

"Hindi nga kasi maka move on sa 'yo." Halakhak niya. "Kawawa 'yung anak niya. Mayroon siyang walang kwentang tatay. Tsk tsk."

I could hear her disappointment over the phone. Sabagay, mas malala pa nga iyan noong ghinost ako ni Chico tapos pagkatapos ng ilang buwan, narinig ko na lang na nakabuntis siya at manganganak na 'yung nanay.

The past days was good enough for me. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa ilang linggo na lang ang pananatili ko sa city hall, at halos araw-araw ang pakain sa office, o baka dahil naging madali ang mga sumunod na araw sa akin dahil kay Mayor Hassen.

"Aba, si Joshien pala 'to?! Ang ganda mo ngayon, 'nak, ah!'' Bati ni Tito Benny nang makapasok na kami sa elevator. Pababa na kami para um-attend ng flag ceremony, nagmamadali na dahil late na kami!

''Oo nga! Blooming ka ngayon dzae!'' si Ma'am Sheryl iyon. ''May jowa?'' Ngumisi siya.

Napangiti ako at napatingin sa repleksyon ko sa elevator. Kulay lila na long sleeve top na naka tuck in sa itim kong slacks at two-inch black heels ang suot ko ngayon. Ang karaniwan kong nakalugay na buhok ay naka low ponytail ngayon.

Ordinaryong araw naman ngayon pero hindi ako magsisinungaling. Sinigurado ko talagang gawing mas espesyal ang pananamit ko ngayon kumpara sa ibang araw. It's not entirely because of Mayor Hassen, but partly, yes. Saka, huling dalawang linggo ko na, ano! I'll do everything to have the bestest of memories here.

''Tsamba lang po. Bagong laba, e!''

Nagpalitan sila ng tingin na para bang may pinag-uusapan. Nagkibitbalikat na lang ako.

Nagmamadali kaming naglakad papunta sa quadrangle. Late kasi kami dahil kailangan pang daanan ni  Konsehala 'yung mga in-order niyang halaman sa palengke, sinamahan na namin para makatulong naman magbuhat.

''Bilis! Bilis! Magsisimula na!''

May umalalay sa amin, at halos doblehin na namin ang mga hakbang para lang makaabot sa flag ceremony!

Pinagpapawisan akong tumayo sa harap kasama ang mga ka-opisina ko. Akala ko'y sa likod na kami makakapwesto pero may tinabo pa lang space sa amin sa harap! Nakakahiya naman!

"I'm really sorry we're late ha. Nag simula na ba?" si Konsehala 'yon, kausap si Ma'am Weng na sekretarya ni Mayor Hassen.

"No... No, Konsi. It's okay. Don't apologize, ano ka ba. Hindi pa naman nagsisimula." Tinapik niya ang balikat ni Konsehala at tinignan akong katabi ang agit na si Ma'am Sheryl. "May hinihintay pa raw kasi si Mayor Hassen. But I think we will start few minutes from now."

The Red Light KissWhere stories live. Discover now