Kabanata 26

19.1K 952 177
                                    

Kabanata 26

Fool

Bakit siya narito? She’s not supposed to be here. Malinaw ang usapan namin na hindi siya magpapakita sa lugar na ito kahit na ano ang mangyari. Yes, the locals here don’t know who she is. Pero paano kung makita siya ng pamilya ni Nero? Lalo pa at narito silang lahat?

“What are you doing here, Mommy?” I asked, my heart racing wildly.

I closed the door — making sure that no one would hear or even see us talking.

Her perfect brow arched up as if she found that question dumb.

“You were not answering my calls and texts. Madalas kang online pero hindi mo binabasa ang mga chat ko. What’s up with you, Seraphine?”

“I’m busy taking care of the plan, Mommy.”

Naupo ako sa couch sa harapan niya at pinagkrus ang mga binti. Pinagsalikop ko ang mga kamay at ipinatong ito sa ibabaw ng aking tiyan. Lumabas si auntie ng kwarto niya, kaagad nagtama ang mga mata namin... tila tahimik na nag-uusap.

“Busy taking care of the plan? Or busy falling in love with the target?”

My heart clenched at her words. Hindi ako nakasagot, nagtatagis ang bagang. It was the original plan — to make Reon Monasterio fall in love with me. Kapag nahulog na siya sa akin, kapag minahal niya na ako nang higit pa sa sarili niya, sasaktan ko siya at iiwan na parang basura. Iyong tipong malulugmok siya at hindi na makakaahon pa.

I was already succeeding. I knew he was already falling for me.

But I didn’t expect that my plan would backfire.

I fell for him, too. Deep. It’s out of the plan. It should never be the plan.

“Ano’ng pinaggagawa nitong alaga mo, Yaya Shirley?” tanong ni Mommy habang nasa akin pa rin ang mga mata.

Pansin ang takot sa mga mata ng babaeng nag-alaga sa akin mula sa pagkabata hanggang ngayong dalaga na ako. Siya na rin halos ang tumayong magulang ko dahil si Mommy ay tila napilitan lang akong iiri sa mundong ito.

“Ginagawa niya n-naman po kung ano ang inuutos mo, Ma’am Sierra.” sagot ni yaya. Kagaya noon, ako pa rin ang kinakampihan niya huwag lang ako mapagalitan ni Mommy.

She’s not convinced. It’s obvious with the way her eyes throwing daggers at me.

She sat on the couch across me. “So how’s the plan going on then?”

Bumuntonghininga ako. “It’s going well. He’s already in love with me.”

“How sure are you? Hindi porque sinasabi niyang mahal ka niya ay iyon na talaga ang nararamdaman niya. Look at what his father did to your Auntie Sigrid!”

Sigrid. This is all about her. Magmula noon hanggang ngayon, siya na lahat ang dahilan. Hindi pa man ako naipapanganak, pakiramdam ko ay nakatoka na sa akin ang misyon na ito. Namatay siya. Ipinanganak ako. Ako ang may hawak ng misyon.

Ako na lang ang huling baraha. They know how powerful the Monasterios are. Ilang beses na sila nitong pinabagsak. Zion Alexander Monasterio is a monster. He is evil and dangerous. He knew what card to use to make our family suffer. Ilang taon na rin simula nang malugmok ang pamilya namin dahil sa kaniya hanggang sa tuluyan nang sumuko.

My family can’t accept the death of my Auntie Sigrid. It’s been more than two decades and they still believe that the cause of her death was invalid. Hindi ba at siya ang unang nagtangka pumatay kay Nero? Bakit kailangan na kami pa ang gumanti?

“Magkaiba kami ni Auntie Sigrid, Mommy. Ikaw na rin po ang nagsabi na hindi naman siya minahal ni Zion Monasterio-”

“They were together for more than a year! Imposibleng hindi niya minahal ang kapatid ko! But ever since that Monteverde came in the picture, everything between them got ruined!” she yelled.

I keep my mouth shut. Whenever her tone sounded like this, I know she’s already getting mad. Ayaw ko na sabayan pa ‘yon. Alam kong hindi lang ang pagkamatay ng kapatid niya ang dahilan kung bakit matindi ang galit niya sa pamilya ni Nero. Mula nang apakan ni Zion ang pamilya namin, naghirap sila.

She’s lucky she met my father who is a Canadian and a successful businessman in Canada. Mula sa hirap ay nakaahon siyang muli.

They had me... until the plan continues.

Fuck it.

“I’m telling you, Seraphine, do your plan and make sure it won’t back fire! Siguraduhin mong hulog na hulog na sa’yo ang Monasterio na ‘yon at saka mo iwan. Ruin him just what Zion did to your Auntie Sigrid and to our family!”

I breathed exhaustedly. Pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang ituloy ang planong ito. Hindi ko rin magawang aminin sa kaniya na huli na ang lahat dahil bumalik na sa akin ang planong paibigin si Nero.

I tried to rule myself out. I tried to tell myself that I can’t fall for him but falling in love with him was easy. Ang dali-daling mahulog kay Nero. Ang dali niyang mahalin.

Ang hirap kalabanin ng puso.

“Kung hindi mo magagawa, puwes kalimutan mo nang pamilya-”

“He already asked me to marry him, Mommy. Within this week.”

Her eyes became round. Napatuwid siya ng upo. “W-What?”

Huminga ako nang malalim at tiningnan si Yaya Shirley. Nakaawang ang mga labi niya, siguradong hindi inaasahan ang mga sinabi ko.

“Inaya niya na akong magpakasal.”

Hindi kaagad sumagot si Mommy. Titig na titig siya sa akin na tila ba inaaral mabuti ang reaksyon ko. Kung nagsasabi ba ako ng totoo.

“Is it true?” she asked.

I nodded. It was then her evil laugh bounced in each and every corner of the house.

Nag-iwas ako ng tingin.

“If that’s the case... then go ahead!”

Mabilis akong nag-angat ng mga mata at salubong ang mga mata siyang tinitigan.

“What? Hindi ‘yan ang plano, Mommy! Ang usapan, kapag may nararamdaman na siya sa akin, iiwan ko na siya-”

“Forget it! Marry him, Seraphine. That way, you will have the access to their power and wealth. Besides, the Monasterios have already welcomed you as part of them, right? Alam nilang wala ka nang pamilya-“

“I told them my family is already dead.”

Natigilan siya. Ang sabi niya noon bago sumugod sa misyon na ito, palalabasin na hindi ko kilala ang mga magulang ko at inampon lang ako ng ibang pamilya. It’s my own plan to tell everyone that they are already dead.

“Well,” she laughed. “It’s up to you. Kung ano ang mas kapani-paniwala. Back to the marriage thingy, marry him, Visha. Panindigan mo nang wala ka nang pamilya—”

“Panindigan? Sinasabi n’yo bang umasta akong wala akong totoong pamilya at ipagsiksikan na ang sarili ko sa mga Monasterio—”

“Yes! Come on. Stop acting like it’s your lost. Kapag naikasal ka na kay Reon, magkakaroon ka na ng hati sa mga kayamanan nila—”

“I can’t believe you.”

Marahas akong tumayo at inirapan siya. Astang lalampasan ko na siya nang hatakin niya ako sa braso, ang mga kuko ay halos bumaon na sa aking balat. Napalapit si Yaya Shirley. Sinenyasan siya ni Mommy na huwag lumapit.

She was staring at me, rage clouded her eyes. I was staring at her, too. Tears filling mine.

“You have no choice but to follow my order. You think you can fool me? I know that you are already in love with him, too. Kung sabihin ko kaya mismo sa harapan niya na niloloko mo lang siya? Na kasinungalingan ang lahat ng pinagsasabi mo sa kaniya? Even your whole presence is a lie!”

Hindi ako nakasagot, ang takot ay mabilis na naghari sa puso ko. Alam kong nakatakdang iwan ko siya. Sooner or later, I don’t know. But that’s the plan. Whatever happens, I’ll stick to it.

I won’t marry him.

“Go ahead, Mommy. Tell them about this truth — that I am a liar and I only fooled them...” madiin na sabi ko habang ang labi ay nanginginig. Maging ang mga luha ko ay mabilis na rumaragasa sa aking pisngi. “Sabay-sabay tayong magpadurog sa mga Monasterio.”

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon